^

Pang Movies

Aljur, mabilis nalimutan si Kylie!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Aljur, mabilis nalimutan si Kylie!

Bongga si Aljur Abrenica, agad-agad naka-recover sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla kung paniniwalaan mo mga balita about him at AJ Raval.

Dahil nga sa mga photo na lumabas na magka-holding hands at magkaakbay pa sila habang magkasama, para bang patunay na ito na may relasyon nga ang dalawa.

Sayang nga dahil ang gandang tingnan together nila Aljur at Kylie. Bagay na bagay at matagal na rin naman ang relationship nila lalo pa nga at kung bibilangin mo pati nung mag-sweetheart pa lang sila.

Akala nga ng marami, kahit pa naghiwalay na puwede pa rin magkabalikan sana ang mag-asawa. Pero dahil nga sa mga lumabas na photos baka nga walang balikan na mangyari.

Sayang lalo pa nga at dalawa na ang anak nila. Pero sila lang ang mas may alam kung ano ang dapat mangyari sa buhay nila.

Goodluck Aljur and Kylie.

Sen. Ralph, unopposed!

At least showbiz na muna ang haharapin ni Cong. Vilma Santos. Siguro nga napagod sa politics kaya naisip ni ate Vi na pahinga muna at pelikula at TV muna ang harapin niyang trabaho.

Nag-enjoy pa siya sa vlogging na itinuro sa kanya ni Luis Manzano.

Ang daming mga magagandang projects na pinakawalan niya dahil nga ayaw naman niyang mahati ang oras niya sa showbiz at sa katungkulan niya bilang congresswoman.

Maganda ang naging serbisyo ni Vilma bilang public servant kaya tiyak na mami-miss siya ng Batangas na siya niya talagang pinagtuunan ng buong oras niya bilang Mayor, Governor hanggang Congress. 

Papalitan siya sa iiwang posisyon ni Sen. Ralph Recto na walang makakalaban sa eleksyon.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with