^

Pang Movies

Glaiza at David, nagpakasal na sa Spain?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Totoo kaya ang hula ng netizens na nagpakasal na ang engaged couple na sina Kapuso actress Glaiza de Castro at David Rainey, based sa kanyang Instagram post habang magkasama sila sa Barcelona, Spain, kung saan sila nag-meet?

Caption ni Glaiza: “I can still remember the day we said our goodbyes at the airport just weeks after getting engaged – all that wondering, worrying when will we see each other again.  But here we are now, meeting in an unexpected country, exploring the world together. Better days are here.”

Nagpasalamat si Glaiza sa travel agency na tumulong sa kanya to sort out ng right documents for the trip, nagpasalamat din siya sa family nila ni David for their support and prayers.

December 2020 ang engagement nila ni David at pagbalik ni Glaiza sa Pilipinas, tinapos niya ang lock-in taping ng GMA Afternoon Prime series nilang Nagbabagang Luha ni Rayver Cruz, habang hinihintay niya muling makapag-travel. May mga tinanong kaming close kay Glaiza at hindi man nila sinagot kung totoong nagpakasal na sina Glaiza sa Spain, tiyak daw namang magpapakasal sila rito sa Pilipinas, tulad nang sabi noon ni Glaiza.

KC, sa Amerika na boboto

It’s good na maraming artista at celebrities na gustong makaboto sa 2022 national elections. Example nga sina Kapuso stars Barbie Forteza at Bianca Umali na nagsimulang pumila ng 3:00 in the morning at natapos 4:00 in the afternoon of the same day. First-time voters ang dalawa kaya excited sila. Iyong mga kababayan naman natin na nasa abroad ay boboto naman sa Philippine Consulate kung nasaan sila.

Kaya nga si KC Concepcion na kasalukuyang nasa Los Angeles, California ay nagdesisyon nang doon bumoto dahil gusto niyang tapusin ang studies niya on Gemology, dahil ang business niya ay tungkol sa jewelry.

At para makaboto si KC sa LA: “I had to transfer my overseas voting registration from Paris, France (where I was registered as an overseas voter) to LA (since I plan to vote from here.) Register to vote – it will make a difference. God bless the Philippines.”

Isa ang stepfather ni KC, si Senator Francis Pangilinan, na muling kakandidatong senador sa coming 2022 elections.

Piolo, gustong ipaglaban ang prinsipyo

Balik-trabaho na si Piolo Pascual, matapos niya muling mag-renew ng contract sa Kapamilya Network. At para sa una niyang project, kasama siya sa sinusubaybayang comedy-drama series na Niño Niña at muli silang magkakasama ni Maja Salvador. Mapapanood na ito simula sa Oct. 25, sa TV5. Gaganap si Piolo bilang si Mayor Charles na haharapin ang political family tradition nila at ipaglalaban ang kanyang prinsipyo at pamumuno bilang new mayor sa Sitio Sta. Ynez.

Nagpasalamat si Piolo sa magandang offer sa kanya ng Cignal at TV5, dahil ang serye ay kinagigiliwang panoorin ng viewers na nagtuturo ng aral, na habang may buhay, may pag-asa. 

Mapapanood ang serye every Monday, Tuesday and Thursday, 7:15 p.m., after Sing Galing.

 

SPAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with