_pang-masa
^

Pang Movies

Ate Shawie naka-tequila sa mga eksena nila ni Marco

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ate Shawie naka-tequila sa mga eksena nila ni Marco
Sharon

May tama pala ng tequila si Sharon Cuneta sa ilang eksena niya sa not-so-ordinary movie niyang Revirginized.

“It’s the scene where I was asked to drink tequila from the body of Marco (Gumabao). At first, sabi ko, gagawin ko ba itong body shot na ito? Kasi doon lang sinabi ni Direk (Darryl Yap) sa set na may ganung eksena pala. E, hinahabol namin ‘yung araw so kailangan ng mag-take na kaya sige, shoot. And thanks to Marco for guiding me, one take lang yun. I don’t drink alcohol, but ‘yung tequilang ininom ko, hindi ko alam na totoo pala yun. Tinamaan ako, pero nakatulong naman, kasi after that, lahat ginawa ko na, pati yung Sisa moment ko, abangan nyo yun,” aniya sa media conference kahapon para sa Revirgi­nized na streaming na beginning tomorrow, Friday.

Anyway, hindi pala tinanggap ni Sharon ­Cuneta ang isang Hollywood movie na OFW ang role. A-list Hollywood actor pa naman sana ang gaganap na bida at sa HongKong magso-shooting.

Nanghihinayang siya pero ibang offer ang kino-consider niyang gawin. Iba pa ‘to sa life story sana ni JoKoy na plantsado na ang lahat pero nag-false positive siya nang magpa-swab bago lumipad.

Pero tulad sa naunang nasulat, sa isang clinic lang siya nag-positive and the rest, negative ang swab tests niya.

Nagbigay ng kakaibang depression kay Sharon ang nangyari kaya ­kinailangan niyang umalis ng bansa for two months.

Nung isang araw lang siya bumalik ng Manila at humarap sa entertainment press kahapon para nga i-promote ang comeback movie niya.

Dingdong at Marian, babalik na sa teleserye

Confirmed na rin pala ang comeback teleserye nina Dingdong Dantes and Marian Rivera sa GMA 7.

May inaayos lang daw sa script and then, green light na.

Pero after pa ito ng enhanced community quarantine sa mga lugar na kasama sa mahigpit na quarantine classification starting tomorrow.

Pumayag na diumano ang mag-asawa sa lock-in pero magkakasama sila including their kids - Zia and Ziggy para mas may peace of mind din sila habang nagtatrabaho.

May point naman. Tutal naman tinuturing na safe zone ang mga lock-in t­aping bagama’t nalulusutan din ng virus ang iba.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with