_pang-masa
^

Pang Movies

Sharon, gusto pang gumawa ng mas shocking na pelikula

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Now 55 years old, hindi pa raw plano ni Sharon Cuneta ang kumbaga, mag-retire.

And guest what?

Willing siya to do a more ‘shocking’ project than Revirginized na ang isang eksenang diumano’y ‘shocking’ shows her kissing the dibdib of her young leading man, Marco Gumabao.

Sharon admits, puwede na niyang maging anak si Marco, who is 26.

At the presscon, likewise, Sharon announced na willing din siyang muling makipagtambal sa isang project sa dating asawang si Gabby Concepcion.

Well, it might please Sharon to know na in a previous presscon ni Gabby, binanggit niya rin na excited siyang ­muling makatrabaho si Sharon.

Aside from Marco, Sharon’s other leading man in Revirginized is Albert Martinez.

Now it can be told that Albert, 60, is Sharon’s puppy love.

 They were teamed up in Dear Heart. And for a while, balitang nagkainlaban sila.

Na-link din si Sharon kay Richard Gomez, now the Mayor ng Ormoc City at asawa ng Leyte Representative Lucy Torres.

Sharon of course, finally married Gabby Concepcion. And they have a daughter, KC Concepcion, now in her 30s.

When her marriage kay Gabby was annulled, Sharon married Senator Kiko Pangilinan with whom she has two daughter and a son.

Of Senator Kiko, wala kaya siyang balak tumakbo for president this coming elections 2022?

Wow, if he does at nanalo siya, magkakaroon na ng Mega First Lady.

Come to think of it, Salve A., ang tagal na rin nating walang First Lady.

Bagama’t ‘di ipinagkakaila ni President Duterte na may asawa siya, hindi niya ito designated as kanyang First Lady.

Sharon, greatest crush si Christopher

In the same presscon ng Revirginized, Sharon admitted greatest crush niya raw si Christopher de Leon.

But he never attempted to make ligaw daw. Boyet or Christopher is 64 years old.

Andrea nagpaplano nang mag-retire

Former child actress Andrea Brillantes is 18 and wants to retire na raw from showbiz.

Wala siyang binanggit na dahilan.

Huling napanood si Andrea sa series na Kadenang Ginto, kasama ang popular group na Gold Squad, composed, aside from her sina Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Kung sabagay, natupad na ang matagal na niyang pangarap para sa kanyang pamilya.

At ito’y maipagpatayo ng magandang bahay ang kanyang pamilya. And well-furnished pa.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with