_pang-masa
^

Pang Movies

Pamanhikan ni Derek sa pamilya ni Ellen, pinagdududahan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pamanhikan ni Derek sa pamilya ni Ellen, pinagdududahan!
Ellen

Maniniwala na nga ba tayong totohanan na ang love story nina Derek Ramsay at Ellen Adarna?

Kahit na kasi aminado silang live-in na nga sila, parang marami ang duda. Kasi nga kahihiwalay lamang ni Ellen kay John Lloyd Cruz na ama ng kanyang anak.

Ito namang si Derek, kahihiwalay lang din sa dati niyang syota at ka-live in ding si Andrea Torres.

Marami na rin naman siyang naging syota at naka-live in din, matapos siyang makipaghiwalay noon sa kanyang unang pinakasalang si Mary Christine Jolly kung saan naman siya mayroong isang anak.

At ang akala ng marami noon ang makakatulu­yan na niya ay si Angelica Panganiban, dahil halos limang taon silang nag-live in at inamin naman nila noon na engaged na sila. Pero hindi rin nangyari.

Ngayon sinasabing gustong pakasalan ni Derek si Ellen, at katunayan pupunta pa nga raw sila sa Cebu, kasama ang mother ni Derek para mamanhikan at gawing formal ang kanilang kasunduang magpakasal.

Wala namang problema. Nakakuha na ng annulment si Derek sa kanyang kasal kay Mary Christine. Si Ellen naman, hindi pa nakakasal kahit na kanino.

Pero ewan nga ba, kahit na may mga picture pa nga si Ellen sa social media na tila nagsusukat na ng gagamitin niyang wedding gown, marami pa rin ang duda.

Sana nga maging totohanan na iyan.

Kung matutuloy nga ang pamamanhikan at ang kasal nila, hintayin na lang natin.

Hero, natakot sa resulta ng swab test

May kuwento si Hero Angeles sa kanyang social media account. Nagkasundo raw silang magkakaibigan na magbakasyon nang lumuwag na ang quarantine. Pero dahil kailangan silang mag-eroplano, at saka baka hanapin pa rin sa kanilang pupuntahan, three days bago ang kanilang lakad ay sumailalim sila sa RT-PCR test. Lahat ng kasama niya lumabas na ok, pero si Hero nag-positive.

Natakot din si Hero at iniisip niya kung saan niya nakuha ang covid virus. Isa pang kinatakutan niya, may mga kasama siya sa bahay na senior citizens na, na maaari niyang mahawahan pa.

Kinabukasan nagpa-test siya ulit, second opinion lang at lumabas na siya ay negative. Ang tanong niya, bakit ganoon? Ang sagot naman daw sa kanya minsan depende iyan sa ginagamit na test kit. Pero sa ganoong sitwasyon mas binibigyang halaga iyong “positive” bilang pag-iingat.

Hindi ba nangyari rin iyan kay Sharon ­Cuneta, magso-shooting na lang sa US, nag-positive. Nagpakuha siya ulit ng test, at hindi lang minsan pito pa. Sa lahat ng iyon lumabas na siya ay negative. Pero nawalan na siya ng trabaho, at sa US pa iyon ha.

Ano nga ba ang aasahan mo sa local testing?

Girlfriend ng gwapong male model, naunahan ng beki

Ngayon, inaamin na rin ng isang poging male model ang matagal nang tsismis na may panahong nagkaroon sila ng fling ng isang gay na showbiz personality.

Noon kasi ayaw pang umamin ng male model na may karanasan nga siya sa ganyan, at hindi naman umaamin ang showbiz personality na gay siya.

Ngayon, 2021 na at ECQ pa, kaya nagkaka-aminan ng mga lihim. Pero nang umamin daw ang poging male model, nagwala naman ang kanyang girlfriend na hindi matanggap ang katotohanan na nauna pa ang gay showbiz personality kaysa sa kanya.

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with