_pang-masa
^

Pang Movies

Sharon may pinoproblema pagdating, na-shock na pumanaw na si Ate Shawee

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon may pinoproblema pagdating, na-shock na pumanaw na si Ate Shawee
Sharon

Pagkatapos ng halos tatlong buwang pananatili sa Amerika, dumating na sa bansa si Sharon Cuneta last August 1 and made it known to her Instagram followers just yesterday, August 3.

Ayon kay Shawie, naging tahimik lang ang kanyang pagdating ng madaling-araw ng August 1 at kasalukuyang naka-quarantine kaya hindi pa niya nakikita ang kanyang pamilya.

“Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. Same building as our home, but in the other half where the hotel is. I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me,” ang bahagi ng post ni Sharon.

Sa mga larawang ipinost ni Megastar ay makikitang may poster pang ginawa ang kanyang pamilya at kasambahay to welcome her home. At ang pinaka­matindi ay ang pa-flowers ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan with matching hand-written message sa card saying how much he missed her.

Tila may dinadaanan na namang problema si Sharon base sa kanyang post pero gumaan daw ang kanyang loob nang sumalubong sa kanya ang welcome poster na ginawa ng kanyang pamilya.

“Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso.

“I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon. Excited na po ba kayo sa Revirginized?!!! Ako super! August 6 na po! Love you all and God bless all of us!” saad ni Megastar.

Kay Sharon pa rin, ikina-shock ni Mega na pagda­ting niya ng Pinas ay pumanaw na ang kanyang impersonator na si Marvin Martinez aka Ate Shawee.

Ayon sa post ni Sharon, hindi raw niya ginagamit ang kanyang Philippine phones habang nasa US at bihira rin siyang mag-check ng kanyang social media accounts kaya hindi niya alam ang nangyayari sa bansa.

“I had deliberately, totally ignored my Philippine phones in the U.S. and enjoyed the radio silence using only my U.S. phone. I hardly checked all my social media platforms and went on them to post then rarely, read and reply to some of your comments.

“So it was a SHOCK to me to find out that my Official and favorite impersonator, Marvin, our Ate Shawee, had been sick and passed away…I sincerely, deeply am affected by his passing.

“I appreciated and adored Marvin and in those lean years of my career when I was too fat to work, seriously even worried about what Marvin would be able to do impersonating me and getting any jobs at all,” pahayag ni Sharon sa kanyang IG post.

Turned out na hindi lang si ate Shawee ang pumanaw na kanyang dinaramdam ngayon kundi may iba pang tao kaya aniya ay malungkot daw siya nga­yon. “Now he is gone. And not just Marvin…I will spare you details of others I have lost recently too, as well as what I have been having to deal with. May mga dinadala pa po ako ngayon pero ayoko ng sad kayo kaya pakipagdasal na lang po ako.

“Salamat sa Dios okay naman kami ng pamilya ko kaya yun ang importante,” aniya.

“Kaya rin po kahapon pa ako ng umaga nakabalik sa Manila, pero quiet na quiet lang po ako dahil may mga problemang kailangan lagpasan. Never naman ako pinabayaan ng Panginoon kaya sure ako lilipas din ito,” patuloy ni Sharon.

Nagpahayag din ng pakikiramay si Mega sa naulila ni ate Shawee.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with