^

Pang Movies

Ricky, nagulat sa emosyon ni Glaiza

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ricky, nagulat sa emosyon ni Glaiza
Ricky

Kahit na ilang beses nang naidirek ni Ricky Davao si Glaiza de Castro, nagugulat pa rin daw ito sa mga pinapakitang emosyon nito tuwing may mabigat na eksena silang ginagawa sa GMA Afternoon Prime teleserye na Nagbabagang Luha.

Unang nakatrabaho ni Direk Ricky si Glaiza sa Grazilda noong 2010. Doon pa lang daw ay bumilib na si Direk Ricky sa paggganap ni Glaiza sa isang bida-kontrabida na character. “Second unit director ako doon. Bumilib ako sa kanya nang i-deliver niya ang kilometric lines na may meters, parang balagtasan. Ang galing niya! Bumilib talaga ako sa kanya, kaya I’m looking forward everytime na makakatrabaho ko siya,” sey pa niya.

Sunod na naidirek niya si Glaiza ay sa Dading noong 2014 at ngayon ay sa Nagbabagang Luha na.

Kuwento pa ni Direk Ricky na hindi raw niya napanood ang original 1988 film na dinirek ni Ishmael Bernal noong magsimula silang mag-taping. Kelan lang daw niya ito napanood sa TV. “Kaya wala akong basehan noong magsimula kami. Never kong napanood yung movie even noong 1988. Okey din naman dahil gusto ko ring may sarili tayong atake sa story at sa pagganap ng mga artista natin.”

May isa pa raw na teleserye si Direk Ricky na nasimulan nila ni Glaiza na Seed of Love. Natigil daw sila ng taping last year dahil sa pandemic.

Golden, graduate na

Kaya pala hindi muna napapanood sa anumang shows ng GMA-7 ang kauna-unahang winner ng The Clash na si Golden Cañedo ay dahil mas tinutukan nito ang kanyang pag-aaral at kelan lang ay naka-graduate na ito ng senior high school with matching honors pa.

Sa Instagram ni Golden, pinost niya ang isang portrait na suot niya toga at graduation cap sa pagtatapos niya sa Accountancy Business and Management (ABM) Strand. Ginawaran din si Golden ng Don Geronimo Sisracon Sr. ­Performing Arts Award.

Dahil graduate na si Golden, malamang ay mapapanood na siya ulit sa All Out Sundays kung saan makakasama niya ang mga biritera ng Kapuso network .

Sean Penn, priority ang bakuna sa mga katrabaho

Hindi raw babalik ang two-time Oscar best actor na si Sean Penn sa film set ng pelikulang Gaslit hanggang hindi nababakunahan ang buong cast ang crew. Nag-offer pa ang 60-year old actor ng free of charge na pagbakuna sa pamamagitan ng kanyang nonprofit organization, Community Organized Relief Effort. Gusto na rin kasi ni Penn na matapos ang naturang project na na-delay na ng ilang buwan.

Naging maingat ang aktor na hindi siya mahawaan ng COVID-19. Kahit na noong wedding niya noong August 2020 kay Leila George, ginawa nilang virtual ang ceremony para walang hawaan na mangyari.  

vuukle comment

RICKY DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with