^

Pang Movies

Pinoy music icon Wally Gonzales, pumanaw habang natutulog

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Pinoy music icon Wally Gonzales, pumanaw habang natutulog
Wally

Kahapon, Biyernes, July 23, ay nag-post si John Gonzales, anak ng Filipino rock guitarist and music icon na si Wally Gonzales, na sumakabilang-buhay na ang kanyang ama sa kanyang pagtulog pero hindi ibinahagi ni John kung ano ang sanhi ng ikinamatay nito.

Si Wally ay isa sa founding original member ng Pinoy rock band na Juan de La Cruz na kinabilangan din nina Mike Hanopol at ang yumaong si Pepe Smith na sumakabilang-buhay noong January 28, 2019.

Ang Juan de La Cruz band ay siyang kauna-unahang Pinoy rock band sa Pilipinas which was formed noong 1968 pero nakilala lamang nang husto in 1973.  Noong 1970, ang Juan de La Cruz band ang kauna-unahang rock band sa Pilipinas na nagtanghal kasama ang Manila Symphony Orchestra. The group reinvented themselves in 1973 at magmula noon ay tuluy-tuloy na ang pagsikat ng grupo.

Sina Pepe Smith, Mike Hanopol at Wally Gonzales ay tinagurian noon as a power of trio ng Juan de la Cruz band, ang premier rock band ng Pilipinas. Ang grupo ay naging recording artists din noon ng Vicor Music Corporation na pag-aari at pinamumunuan pa noon ng magpinsang Vic del Rosario Jr. at Orly Ilacad.

Samantala, kamakailan lamang ay nagpositibo si Mike Hanopol (76) ng COVID-19 pero ito’y naka-recover. Sa kanilang tatlo nina Pepe at Wally, si Mike na lamang ang natitirang buhay.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay na naiwang mga mahal sa buhay ni Wally.

Xian, tahimik ang birthday

Mukhang tahimik lamang na ipinagdiwang ng magkasintahang Xian Lim at Kim Chiu ang ika-32nd birthday ng singer-actor noong nakaraang July 12. Xian turned 32 noong araw na `yon.

Although pareho nang nasa tamang edad sina Xian (32) at Kim (31), mukhang wala pa sa plano ng dalawa ang lumagay sa tahimik lalo pa’t pareho pa silang may respective goals sa kanilang mga karera.

Si Kim ay nananatiling Kapamilya habang si Xian ay nasa pangangalaga na ng Viva.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with