_pang-masa
^

Pang Movies

Paolo-Heart, iniwan si Richard!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Paolo-Heart, iniwan si Richard!

Nag-react ang  fans ni Richard Yap, bakit daw si Paolo Contis na ang leading man ni Heart Evangelista sa I Left My Heart in Sorsogon? Ano raw ang nangyari kay Richard at marami pang tanong.

 Nabasa lang ng fans ni Richard na nagsimula na ang lock-in taping ng rom-com series sa Sorsogon at eksena nina Heart at Paolo ang kinunan. Akala ng fans ni Richard, inalis na siya sa cast at pinalitan ni Paolo.

Obviously, hindi nila nabasa o nabalitaan na dalawa ang leading men ni Heart sa

rom-com series at nauna lang kunan ang mga eksena ni Paolo.

 Hindi rin nabasa ng fans ni Richard ang IG Stories nito na nakasakay siya sa bus at may caption na “Sorsogon here we come.”

Mag-amang Kier at Dani, magkaaway pa rin

Hindi pa siguro nababasa ni Dani Barretto ang post ng amang si Kier Legaspi bilang sagot sa vlog interview ni Dani kay Dr. Vicki Belo na nag-try siyang mag-reach out sa ama, pero walang nangyari. Hindi magkabati ang mag-ama at sa kasal nga ni Dani, hindi imbitado ang dating aktor.

Nasa Bohol sina Dani at ang kanyang pamilya, nagbabakasyon, pero tiyak na kapag may nagpadala sa kanya ng post ni Kier, sasagot ito at doon na magsisimula ang sagutan nila.

Walang binanggit si Kier, pero feeling ng netizens, sagot niya sa interview ni Dani ang post na “Magpa interview kaya ako para yung side ko naman ang marinig. I’m trying to take all the punches and lies but let’s see how you would feel if I tell my side of the story. Game?

In fairness kay Dani, si Kier lang naman ang hindi maayos ang kanyang relasyon dahil ang lola niya na mom ni Kier at mga pinsan gaya nina Mavy at Cassy Legaspi ay kabati niya. Pati yata ‘yung anak na babae ni Kier sa wife nito ngayon ay friend ni Dani, kaya may isyu nga sa kanilang mag-ama.

Mark ‘di pinalampas ng Kapamilya fans

 Sabi na nga at may Kapamilya fans na magre-react sa tweet ni Mark Bautista na “Ang hirap lang magbigay ng simpatiya sa mga taong nagmamataas pa...” at sinundan ng peace sign emoji.

Walang binanggit na pangalan si Mark at ang labo nga kung ano ang gusto niyang tumbukin sa tweet niyang iyon, pero may Kapamilya fans pa rin na nag-react at ang sabi, “Wow at kelan ka nagbigay ng suporta sa ABS? Nakakahiya naman sayo beks” na hindi na sinagot ni Mark.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with