_pang-masa
^

Pang Movies

Old-fashioned fans ni Sharon, hindi ma-take ang ginawa niyang pagdila kay Marco

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Old-fashioned fans ni Sharon, hindi ma-take ang ginawa niyang pagdila kay Marco
Sharon

Mistulang pinaglaruan si Megastar Sharon Cuneta sa bago niyang movie na Revirgi­nized.

Imagine, pinadilaan sa kanya ang dibdib ng batang na aktor na si Marco Gumabao. No wonder, kiliting-kiliti tuloy siya habang dinidilaan ni Mega.

Ibang klase ang papel niyang ipinakita sa pelikulang likha ng Viva. Imagine kasama pa niya ang mga babaeng umiinom ng alak. Walang patid na naninigarilyo. Mga kalalakihang sumasayaw nang nakahubad.

Tiyak na hindi ito kayang panoorin ng old-fashioned fans ni Mega. Baka kasi palagi na lang silang nakapikit dahil ayaw makakita ng makabagong uri ng kasiyahan ng mga kabataan na sinakyan ni Sharon.

Ipinasyal si Mega ni direk Darryl Yap sa makabagong takbo ng buhay.

Kuwento ni Sharon, tinanggap niya ang role para maiba-iba naman ang panlasa. May komento ngang mabuti na lang hindi ito maipalalabas sa mga ordinaryong sinehan.  

Coco, ‘di nauubusan ng bala

Finally makakapahinga naman pansamantala ang grupong Task Force Agila at mga kalabang mga the who. Hindi kasi kilala ang mga naglalaban-laban sa eksena sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Paano kasi apektado ang lugar nilang pinagshu-shooting-an sa Batangas. Mangyari pa na natatakot ang producers ng serye na abutan pa ng pagbulwak ng bulkang Taal ang mga nagshu-shooting sa nasabing lugar.

Magtatagal pa ang seryeng Ang Probinsyano dahil hindi pa nagkakatagpo ang mga magkakalaban.

May mga nagtatanong saan daw kaya kumukuha ng baril ang grupo ni Coco dahil parang hindi sila nauubusan.

Hahaha.

Bea, hirap sa buhay noon

Naikuwento ni Bea Alonzo na mahirap daw ang maging isang mahirap kaya’t nagpundar ng siya ng mga kabuhayan nang magkaroon ng magandang trabaho. May negosyo siya at may malaking farm at bakahan sa Iba, Zambales.

Ipinakita ni Bea na hindi siya feeling señorita sa kanyang farm. Pinakakain niya ang mga alagang baka kapag walang mga katulong.

Naikuwento rin ni Bea noong araw na kasa-kasama niya ang mama niya sa panghihiram ng damit dahil walang magagamit sa taping at shooting. Hindi naman daw pupwede ‘yung mag-uulit siya ng damit kapag may bagong project.

Bata pa raw nang iwan siya ng British father at ngayon laganap man ang social media ay wala pa rin siyang balak hanapin ito sabi ng aktres na sumikat sa ABS-CBN nang interbyuhin siya ni Jessica Soho.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with