Jason napag-handaan na si Vickie at magiging anak

Jason at Vickie

Dahil tapos na ang pageant journey ni Vickie Rushton, umaasa ang boyfriend nitong si Jason Abalos na baka naman puwede na silang magsimulang magplano ng kanilang pamilya.

Sinuportahan ni Jason ang ambisyon ni Vickie na maging isang beauty title holder. Dahil sa hindi na qualify si Vickie sa anumang titulo sa Binibining Pilipinas dahil overage na ito, nagpaalam na ito sa pagsali sa mga pageant. “Matagal na ‘kong naghihintay na matapos si Vickie sa pageant. Tingin ko ‘yun na ‘yon eh. Talagang sabi ko, ‘O, tama na ‘yan, hindi ka na pwede. Tayo naman.’ Talagang hinayaan ko siyang lumarga at gawin ang lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon siguro panahon na para bumuo ng pamilya,” sey ni Jason.

Nag-turn 29 years old si Vickie noong nakaraang May 2021. Kaya lagpas na siya sa age limit na 28 years old na sinet ng Miss International pageant sa mga ipapadalang candidates.

As for Jason, mukhang matagal nang handa itong magkaroon na sila ng pamilya ni Vickie.

Bukod sa pinapagawang bahay nila sa Nueva Ecija, maraming negosyong hawak ang aktor kaya secure na ang kinabukasan ng magiging anak nila ni Vickie.

Jessica, naging inspirasyon

Patuloy pa rin daw nakakatanggap ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin ng bashing sa social media.

Kung noon daw ay sobra siyang naaapektuhan ng mga panlalait sa kanya, ngayon ay natuto na raw siyang dedmahin ang mga ito.

Ang positibo naman na nangyayari kay Jessica ay ang pagiging inspirasyon niya sa maraming tulad niya na kontesera at minamaliit. Ngayon ay maraming humihingi ng advice sa kanya para matupad ang pangarap nila. “Nakakatuwa lang po na maraming nagme-message sa akin na humihingi ng advice, inspiration daw po nila ako para maabot ang mga pangarap nila. ‘Yun po ang nakakabigay ng ngiti sa akin araw-araw. Lagi ko namang sinasabi na maniwala sila sa sarili nila at magdasal sa Panginoon. Walang imposible kay God,” diin pa niya.
Isa si Jessica sa pinapirma ng GMA Artist Center bilang official talent ng Kapuso network. Available for streaming sa ilang music platforms ang kanyang dalawang singles under GMA Music na Beautiful and Ako Naman.

The Spice Girls, naka-25 taon na

Ipinagdiwang ng The Spice Girls ang ika-25th anniversary ng 1996 hit single nila na Wannabe.

May kanya-kanyang post sa social media sina Geri Halliwell (Ginger Spice), Melanie Brown (Scary Spice), Victoria Beckham (Posh Spice), Emma Bunton (Baby Spice) at Melanie Chisholm (Sporty Spice) sa song na nagpasikat sa kanilang all-girl group.

Wannabe was written and composed by the group in collaboration with Matt Rowe and Richard “Biff” Stannard during their first professional songwriting session.

 It was released as the Spice Girls’ debut single in the UK in July 1996, bago pa ni-release ang first album nila. The song topped the UK Singles Chart for seven weeks. In January 1997, it topped the Billboard Hot 100 for four weeks.

Show comments