_pang-masa
^

Pang Movies

Dinengdeng ni Jessica, napuri!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maayos naman palang nagpaalam si Bea Alonzo sa kanyang mother studio na ABS-CBN bago lumipat sa GMA.

Nakapagtataka kasi na sari-saring negative comments ang kumakalat na wala raw utang na loob si Bea na matapos i-build up at payamanin ng said network, bigla na lang lulundag sa kabilang bakod.

Knowing ABS-CBN, hindi ganito ang kanilang pag-uugali. May breeding sila at hindi basta nagkokomento. May pamilya si Bea at kailangang magtrabaho. Hindi pupuwedeng pulos kuwentong may gagawin sa Dos pero wala naman.

Masaya si Bea sa bagong bahay. Winelcome siya ng buong grupong taga-Kapuso network. Maging noong mag-guest si Bea sa programa ni Jessica Soho na Kapuso Mo, Jessica Soho sa farm niya sa Iba, Zambales, ipinagluto pa siya ng dinengdeng. Ikinuwento ni Bea na ang sarap daw magluto ng pamosong si Jessica Soho.

Pokwang, nasukahan si Jeric

First time pa lang mag-work ni Pokwang sa Kapuso, nakakahiyang nasukahan niya ang bagong biling polo ni Jeric Gonzales. Professional actor naman si Jeric, balewala ang nangyaring insidente.

Feeling beautiful si Pokwang dahil at her age, napaibig pa ang isang poging bagets na si Jeric. Principal kasi siya sa isang school at estudyante naman si Jeric na mahilig sa matandang babae na mapapanod sa Magpakailanman.

Tama lang ang decision ni Pokwang na kung hindi nagklik sa TV5, why not try sa GMA. Kailangan sa panahong ito na ‘help yourself’ ang maging patakaran sa buhay.

Showtime, dumami ang bagong portion

Nakakaalarma na maraming pumupuri at naaliw daw sa panonood ngayon sa programang It’s Showtime ni Vice Ganda sa A2Z Channel 11. Marami raw games bukod sa Tawag Ng Tanghalan at Reina ng Tahanan. May pa-contest kasi sina Vice at Vhong Navarro na beauty pageant ng mga nanay.

Maraming nanay ang may perfect figure bukod pa sa talent na paglalabanan nila sa contest. May komento kasing parang nakakainip na raw ‘yung Bawal Judgmental, ang tagal daw ng interbyu na pulos malulungkot ang kuwento gayung nanananghalian ang mga nanonood. Nawala na raw ang mga game show at ibang panonoorin sa Eat Bulaga.   

Naku dapat hanapan nila ng sagot ang mga pangangailangan ng televiewers. Nagsasawa na raw sila lalo’t hindi naman kilala ang mga special guest nila. Naku choosy talaga ang mga audience ngayon.

Maligayang kaarawan...

Birthday greetings sa July-born celebrities na sina Janet Basco, Djohanna Garcia, Elsa, Payumo, Arthur Valenova of Magdalena, Laguna, Roland Lerum at Techie Agbayani.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with