^

Pang Movies

Sharon, uuwi na para sa teleserye!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sharon, uuwi na para sa teleserye!
Sharon

Mapapadali kaya ang pagbalik sa bansa ni Megastar Sharon Cuneta?  Balita kasing may binubuong teleserye na pagbibidahan niya para sa ABS-CBN at Viva Entertainment? Nasa Los Angeles pa kasi si Sharon at hinihintay niya ang panganay nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie na mag-aaral na muli sa New York. Balak niyang samahan muna si Frankie bago siya bumalik sa bansa.

Baka tamang-tama rin ang pagbalik dito ni Sharon dahil magsisimula nang mag-stream ang movie niyang Revirginized sa August 6.

Alden, mas inuna ang pag-aaral 

Pinuri ng netizens ang ginawa ng GMA na simulan ang story ng The World Between Us nang bata pa sina Louie (Alden Richards), Lia (Jasmine Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez), kaya kapag malalaki na sila, malalaman na kung saan nagsimula ang bawat character nila at kung ano ang pinaghuhugutan nila.  Simula ngayong gabi, mapapanood na sina Alden, Jasmine at Tom, at simula na ang labanan sa acting nilang tatlo. Napapanood ang The World Between Us gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

Legal Wives, matutuloy na

Napapanood na muli sa GMA 7, ang teaser ng Legal Wives dahil natapos na finally ang kanilang lock-in taping at sa Monday, July 26, na ang world premiere ng family drama sa GMA Telebabad. Ang serye na dinirek ni Zig Dulay, ay magpapakita ng iba’t ibang mukha ng pag-aasawa.

Gagampanan ni Dennis Trillo ang role ng isang Mranaw, si Ismael, na may tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan. Challenging para kay Andrea Torres as Diane, ang nag-iisang Christian sa tatlong asawa. New perspective naman kay Bianca Umali as Farrah, ang role niya at para kay Alice Dixson as Amirah, sa pamamagitan daw ng serye ay mas marami tayong matututunan sa kultura ng mga kapatid nating Muslim.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with