^

Pang Movies

Jessy, sumagot sa paglipat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jessy, sumagot sa paglipat
Jessy

Nakakatuwa ang reaction ng Kapamilya fans sa balitang baka lumipat sa GMA 7 si Jessy Mendiola dahil guest kagabi sa TV special ng Shopee na ginawa sa Wowowin: Tutok to Win. Sa nabasa naming comments, walang malulungkot kapag lumipat sa ibang network si Jessy.

Malaya raw itong lumipat dahil matagal na raw siyang hindi Kapamilya talent. Nagkaroon na nga raw ng lifestyle show sa TV5 si Jessy, patunay na she’s free kahit saang network siya magtrabaho.

Ang gusto ng Kapamilya fans, si Jessy lang ang lumipat, maiiwan daw ang husband nitong si Luis Manzano sa ABS-CBN dahil may mga show ito. Kaso, itinanggi na ni Jessy na lilipat siya sa GMA Network, nag-guest lang daw siya.

May tsika noon na kinukuha ng Kapuso Network si Jessy, hindi natuloy at itinanggi rin naman nito. Hindi siguro naging successful ang negosasyon, kaya walang nangyaring lipatan noong pre-pandemic time pa.

Dingdong, nire-request na ipareha kay Bea

May project sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, endorsement yata at sa nakita naming larawan, nag-photo shoot na ang dalawa.

Ang parang clue sa endorsement nina Dingdong at Marian ay ang caption ng make-up artist ng dalawa na “The World OF POWER COUPLE, PRIMETIME DUO.”

Wala nang ibang clue kaya nagtanungan ang DongYan fans at umaasa silang pictorial ito para sa bagong show nina Dingdong at Marian sa GMA 7. Pero parang out pa ang shows na kanilang pagsasamahan at kung may magkakaroon man ng bagong show, baka si Dingdong. Siya bukod kay Alden Richards ang nire-request ng Kapuso viewers na ipareha kay Bea Alonzo sa gagawin nitong teleserye sa GMA 7.

Cassy, dedma na kay JD

Reklamo ng shippers nina Cassy Legaspi at JD Domagoso, parang nawala sa mundo ni Cassy si JD mula nang matapos ang First Yaya. Dahil ito sa lumabas na parang nag-double date sina Cassy at Darren Espanto, at Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Kahit ang hashtag ni Kyline nang i-post ang video na magkakasama sila ay #FakeCoupleSquad, naniniwala pa rin ang fans na real couple sila. Noon pa kasi nali-link sina Cassy at Darren at si Mavy naman, open na he likes Kyline. Sa larawan ng kanilang double date, nakahawak pa si Cassy sa braso ni Darren.

Izzy, ligtas sa bashers

Mabuti at hindi bina-bash ng Kapamilya fans ang young actor na si Izzy Canillo dahil ABS-CBN talent din siya at nasa GMA 7 na. Siya ang young Alden Richards sa The World Between Us at napupuri dahil mahusay umarte.

Nagkakabiruan sa social media dahil si Izzy din ang gumanap na young Coco Martin sa Ang Probinsyano, hindi raw nila akalain na paglaki nito ay magiging si Alden si Izzy.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with