^

Pang Movies

Mga nag- congratulate, na-bash...Bea bawal nang tawaging Basha!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Binabantayan ng fans kung sinong Kapamilya stars ang magko-congratulate kay Bea Alonzo sa paglipat nito sa GMA Network at ang magko-congratulate kay Bea, nakatitikim ng bashing.

Kaya siguro sina Anne Curtis at Edward Barber  pa lang ang Kapamilya stars na nag-congratulate kay Bea.

Si Maja Salvador, hindi na naman Kapamilya, ganundin si Ahron Villena. Si Arci Mu?oz, heart emoji lang ang comment at si Maricar Reyes, hindi nag-congratulate at ang sabi, “U look so good excited for u bey,” kaya siguro hindi na bash.

Si Ahron, pinagbawalang gamitin ang “Basha” dahil ang Star Cinema raw ang tumawag kay Bea nito, name ng karakter niya sa movies nila ni John Lloyd Cruz.

Sina Maja at Edward ang sobrang na-bash, eh, nag-congratulate lang naman ang aktor sa “ate Bea” niya. Nagkasama kasi sila sa Star Cinema movie na She’s The One,  kaya nag-congratulate, hindi nga lang nagustuhan ng Kapamilya fans.

Pinalilipat na rin nila sa GMA Network si Edward at may nagtanong pa kung bakit kinongratulate ni Edward si Bea? ‘Yung isa naman, tinanong si Edward kung ano ang plano at idinamay pa si Maymay Entrata, isama raw ni Edward sa paglipat niya sa GMA.

Pero, mas marami pa rin ang suportado si Bea sa kanyang desisyon na lumipat sa GMA at nababasa naming maraming Kapuso stars ang nag-welcome sa kanya.

Direk Frasco bumanat sa ABS-CBN

Isa pa sa nakakaranas ng bashing ng Kapamilya fans ay si director Frasco Mortiz na for 20 years, sa ABS-CBN nagdidirek ng mga show. Nasa GMA Network na siya ngayon, mula sa pagdidirek ng Wowowin: Tutok to Win,  nagdirek na siya ng Bubble Gang  at Dear Uge  at iba pang shows ng GMA.

Nag-tweet lang si direk Frasco ng “Ba’t ang daming bitter? Basta ako, I’m happy for Bea Alonzo. #ProudToBEAKapuso” at  sinundan ng tweet na “Ang dami-daming dapat problemahin inuuna pa ang network wars. 20 years ago pa nauso yan, ibahin niyo na ngayon. Imbes na manghila pababa, matuwa na lang sa bagong karera ng mga idolo niyo, mapa-Kapamilya, Kapuso o Kapatid.”

Dahil sa tweet na ‘yun ni direk Frasco, nabaling sa kanya ang galit ng ilang Kapamilya fans, lalo na nang mag-comment si Frasco na “the sad part is network pa mismo ang pasimuno.”

Ang ABS-CBN ang tinukoy ni direk Frasco na inakalang pasimuno sa trending na #KapamilyaForever sabay ng contract signing ni Bea sa GMA Network, kaya hindi na siya tinigilan.

Pati siya tinawag na walang utang na loob at kung anu-ano pang masasakit na salita.

In fairness, ang Kapamilya fans ang nag-initiate ng pagti-trending ng #KapamilyaForever at hindi ang ABS-CBN, kaya lalong nag-init ang ­Kapamilya fans.

Kaya kahit nakiusap na si direk Frasco na “The least you can di is be happy and wish a former Kapamilya the best. Sobrang liit ng industry para maghilahan pababa, lalo na sa panahon ngayon,” wala pa ring epek, galit pa rin kay Bea ang ilang Kapamilya fans at damay na rin si direk Frasco at direk Bobot Mortiz.

Heart, cover girl na naman ng international magazine

Cover girl ng July issue ng international magazine na Now si Heart Evangelista. Isang fashion and lifestyle magasin ito at sa cover ng magazine, tinawag ni Heart na “style icon.”

Ni-reveal ang cover ng magazine sa Instagram Story ng magazine at kung saan, makikita si Heart na suot ang isang yellow gown at natural glam make-up na lalong nagpakita sa ganda ng Kapuso actress.

Kundi kami nagkakamali, second time na ni Heart na maging cover ng isang international magazine at ‘yung una, sa Paris pa yata ang publication ng magazine at doon din distributed. Hindi nabanggit kung dito sa bansa o sa ibang bansa ginanap ang pictorial niya for the said magazine.

Samantala, sa July 7, na raw magsisimula si Heart ng lock-in taping sa Sorsogon ng rom-com series ng GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon. Sina Richard Yap at Paolo Contis ang leading men dito ni Heart at i-introduce ang love team nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with