_pang-masa
^

Pang Movies

Sarah, magiging Kapuso na rin?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sarah, magiging Kapuso na rin?!
Sarah

Kasado na ang TV telecast ng unang digital concert ni Sarah Geronimo na Tala: The Film Concert.

Mapapanood ito sa GMA Pinoy TV sa July 19 kaya naman ang Kapuso abroad ay may chance na matunghayan ang Popstar Royalty concert stage comeback.

Ang GMA Pinoy TV subscribers sa USA, Canada, Singapore at Hong Kong ay mapapanood ang two-hour film concert on the go sa pag-download ng mobile app ng kanilang pay TV providers.

March 27 unang na-stream ang Tala: The Film Concert sa Araneta Coliseum at hinangaan talaga ang production numbers ng concert.

Eh dahil under management ng Viva Artists Agency si Sarah, umugong ang tsismis na malaki ang chance sumunod ni Sarah sa yapak nina Pokwang at Bea Alonzo na pumirma ng kontrata sa GMA Network.

Karen kinampihan si Bea

Para kaya sa tumutuligsa sa dating­ Kapamilya artists na lumipat sa Kapuso Network gaya ni Bea Alonzo ang tweet ni Karen Davila?

Ngayong Kapuso na si Bea matapos pumirma ng kontrata, hindi rin nakaligtas sa bashers at haters ang desisyon ng aktres.

Sa tweet ni Karen, “Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave.

“Hindi po natin alam ang buong kuwento. Lahat naman po tayo ay kailangang magtrabaho.

“Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Nagkikita rin tayo.

“All will work out in God’s time.”

Matatandaang isa si Karen sa umalis sa GMA News at lumipat sa ABS-CBN.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with