Dalawang dalaginding nina Manny at Jinkee, ayaw sa showbiz

Artistahin both ang dating ng dalawang dalagitang anak nina Manny Pacquiao, yes, the Pambansang Kamao, at Jinkee, sina Princess at Queenie.

But unlike their two elder brothers, Jimuel at Michael, na both are determined na to pursue showbiz at music, respectively, more on their studies daw naka-focus ang dalawang babae.

Meanwhile, pinag-uusapan ang diumano’y pagtakbo bilang presidente ni Manny sa darating na election 2022. Bagama’t ayaw daw muna niya itong mapag-usapan, considering nga naman that may bout siya this August in Las Vegas, Nevada, with unbeaten unified welterweight world champion Errol Spence.

Matatandaang last boxing bout ni Manny was in July 2019 with Keith Thurman for the WBA welterweight title. He won.

In any case, how true na tatakbo bilang mayor ng Taguig City si Jinkee?

Maxine, pinayuhang tumigil na sa pagkokontrabida

In a week’s time, after this week, ending na ng series na First Yaya, which Gabby Concepcion topbills with Sanya Lopez pla­ying the title role.

Well, kailangang tutukan ang serye para malaman kung paano ba ito magtatapos.

Maparusahan daw kaya si Nina, na ginagampanan ni Cassy Legaspi, na pinagbibintangang “nakasagasa” sa dad ni Yaya Melody?

In fairness ka Cassy, agaw-pansin ang akting niya rito.

Ditto kina Gardo Versoza at Maxine Medina, na siyang pumapapel na mag-amang kontrabida sa series.

Of Maxine, marami ang pumupunang dapat daw huwag na siyang gumanap na kontrabida sa mga susunod niyang assignments.

She was after all nga raw a former Miss Philippines Universe circa 2016, and emerged one of the top six sa Miss Universe International the same year.

Kung sabagay, bakit daw si Pilar Pilapil, former beauty queen din, kontrabida rin ang role sa First Yaya.

Well.

Show comments