_pang-masa
^
Dennis, sunud-sunod ang ­naranasang âsakitâ
Dennis

Dennis, sunud-sunod ang ­naranasang ‘sakit’

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

Gusto ko ‘yung honesty ni Dennis Padilla sa pagtanggap ng katotohanan tungkol sa panghihingi niya ng financial help nang magka-COVID-19 siya. Tinanggap niya na talagang nanghingi siya ng tulong, hingi at hindi hiram dahil baka nga hindi niya mabayaran.

Totoo ‘yung sinabi niya, na sa showbiz, ngayon may pera, bukas wala. At hindi niya sinisisi ang mga kasamahan sa showbiz na hindi nagbigay sa kanya.

Siguro sa buhay, isa sa pinakamahirap ang financial problem, lalo pa nga kung dati mabilis ang pera na dumarating sa iyo, tapos biglang mawawala.

Maraming taga-showbiz ang affected financially ng pandemic, kaya ang hirap ng adjustment para sa marami na medyo high cost of living ang nakasanayan, tapos biglang affected ang source of income.

Masuwerte ang may naipon, tuluy-tuloy ang dating ng pera, hindi nawalan ng trabaho, pero para sa tinamaan tulad ni Dennis, talagang kalilimutan mo muna ang hiya at talagang manghihingi ka.

At least, honest si Dennis na tinanggap ang mga pangyayari.

Ano pa nga naman ang gagawin mo kung talagang kailangan mo ng pera? Saka double whammy, wala ka nang trabaho, tinamaan ka pa ng sakit. Hindi ba naman, doble pahirap.

Kaya hindi mo alam kung ano ang mas masakit kay Dennis, ‘yung walang trabaho, ‘yung COVID-19, o ‘yung pagdededma ng anak niyang si Julia Barretto?

Ricky at Vilma, naalala sa suman

Alam n’yo ba kung sino ang lagi kong naaalala ‘pag nakakakita ako ng suman? Sina Vilma Santos at Ricky Lo. Naging famous ang suman ng Lipa nang magsimulang mamigay nito si Vilma nang maging mayor siya. Dahil nasarapan ang lahat ng binigyan, talagang hiniling na lagi niyang padalhan ng suman from Lipa.

Dahil sa Imperial Palace nakatira si Ricky, laging doon ang dropping point ng lahat ng suman na padala ni Vilma, mula nang maging mayor siya hanggang nang maging congresswoman. Talagang parang dahil nga madalas na sa kanya kami nakakatanggap nito, sa pamamagitan ni Ricky, ‘pag nakakakita ako ngayon ng suman, silang dalawa ang remember ko.

Talagang hindi mo rin madaling mabura ang isang bagay na associated na sa isang tao. Ang basketball kay Nap Gutierrez ko associated dahil para bang ‘pag may nakita akong basketball player, si Nap ang naiisip ko, hah hah naughty thoughts.

 Si Gorgy ‘pag nakarinig ako ng out of town na singing assignment, remember ko brothers na pinasikat niya sa CamSur, si Jerry O ‘pag may mga malaswang palabas at babasahin, tiyak kanya iyon. Si Salve basta may nakita ako na may maleta, naaalala ko siya na laging gustong magbiyahe.

Naku, naloka na naman ako, nag-umpisa sa suman kung saan-saan na naman napupunta. Ang gulo talaga ng utak ko, hah hah hah.

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with