_pang-masa
^
Gawa ni Derek, Ellen lumutang na nakanganga!
Ellen

Gawa ni Derek, Ellen lumutang na nakanganga!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 18, 2021 - 12:00am

Kung pulos super glamorous photo ang ina-upload ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account, niyari naman siya ni Derek Ramsay nang kunan siya habang natutulog sa kotse at nakanganga.

Caption ni Derek : “You know you really love someone when you don’t freak out when you wake up to this in the morning!,” na sinagot naman ni Ellen ng “Kaya patay na patay ka sakin eh.”

Kasal na lang ang hinihintay sa dalawa.

Happy birthday ni Raymart kay Jodi, kinakiligan!

Maraming kinilig nang mag-happy birthday si Raymart Santiago sa girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria.

Simpleng happy birthday lang naman ang comment ni Raymart sa post ni Jodi na may kasamang tatlong puso pero todo ang kilig ng followers ni Jodi na nag-celebrate ng kanyang 39th birthday the other day.

Ang sexy ni Jodi sa nasabing post niya : “On June 16, 1982 at 4:29pm, I took my first breath here on earth. Looking back in the last 39 years of my life, I am grateful for the many small victories, extraordinary adventures, even the hardships and failures. I am thankful to all the people I have crossed paths with, for giving me a part of themselves and enriching my heart and soul. I am grateful everyday for these experiences. Here I am, 39 and all, still alive and breathing. Thank you Lord for everything!

“Maraming salamat sa lahat ng nakaalala. Thank you for taking the time to greet me on this special day!”

Nauna nang inamin ni Raymart ang relasyon nila pero si Jodi ay nanatiling tahimik at low-key sa kanila.

Ilang beses na siyang na-provoke na magsalita pero consistent ang pananahimik ng actress tungkol sa kanila ng ex-hubby ni Claudine Barretto.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with