_pang-masa
^

Laban ni Manny sa Vegas, marami pa ring gustong manood

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

Mukhang marami pa rin ang manonood ng fight ni champ Manny Pacquiao sa Las Vegas. Ang dami pa ring nagmi-message sa akin na nagtatanong kung kelan darating si champ Manny sa Vegas, at ‘yung mga taga-LA at SanFo, naghahanda nang pumunta sa kung saan gaganapin ang fight.

Kahit nga ang anak at pamangkin kong sina Angel at Apple nakahanda na para manood, at excited na makikita na naman ang Filipino boxing icon sa ring.

Iba talaga ang charisma ni Champ Manny at tiyak na wala nang makakakuha pa ng korona sa kanya as our lifetime pride sa sports.

Sobra talaga ang naibigay niyang honor sa ating bayan, at talagang tumatayo ang balahibo mo tuwing makikita mo kung paano siya hangaan ng buong mundo. Forever na siya sa memory natin as the bo­xing champ na naglagay sa mapa ng mundo ng Pilipinas, dahil isa siyang Pilipino. Manalo, matalo, siya pa rin ang ating champion.

Pat-P, may bagong career na uli

Humanda kayo, Salve at Gorgy Rula, committed na kayo pati ako na maging ‘PR’ ni Pat-P Daza, ang pinaka-latest na alaga ni Joji Dingcong. Hahaha.

Kumuha na ng manager si Pat-P dahil malapit na siyang magkaroon ng TV at radio program.

Mukhang haharapin na ni Pat-P ang bagong career as celebrity. Pero teka, hindi ko natanong si Pat-P, kung ano na ang mangyayari sa Brightlight Productions?

Blackout na? Wala nang light? Pinakamasuwerte sa lahat ng employee ng ABS-CBN si Pat-P. Pagkawala ng franchise nito, nakatanggap agad siya ng offer mula kay Papa Albee Benitez na maging executive ng itinayong Brightlight Productions sa TF na P300K a month. Ngayon na mukhang ang haharapin ng mag-ama na sina Papa Albee at Javi Benitez ay pulitika dahil pareho na tatakbong mayor sa dalawang city ng Bacolod, baka siguro, brownout muna ang production kaya heto, may bago na namang career si Pat-P, ang pagiging TV at radio talent.

Lucky talaga si Pat-P sa trabaho, ang dali niyang makakita ng opening para sa kanyang career, kasi nga very smart at matalino, bongga pa ang PR kaya in a click of a finger, meron agad work.

Mami-miss ko na travel buddy si Pat-P dahil magiging busy na siya. At hindi ako magtataka kung magtayo ng fans club sina Tet at Atty. Kat para kay Pat-P dahil type nila na magtagumpay ito sa bagong career.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with