_pang-masa
^
Luis, papalitan ang iiwang posisyon ni Ate Vi?!
Luis

Luis, papalitan ang iiwang posisyon ni Ate Vi?!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

Matinding no ang sagot ni Star for All Seasons at Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto sa mga kumukumbinsi sa kanyang tumakbo for Vice President in the 2022 elections.

Bagama’t naniniwala pa rin siyang tadhana ang magdi­dikta ng kapalaran ng tao.

Samantala, did we hear it right na may balak tumakbo for public office ang kanyang panganay na si Luis Manzano?

Ang tanong, for what position kaya?

At anong bayan?

Lipa City?

O, dito sa Metro Manila?umang

KC nag-effort pumayat tulad ng kanyang mommy

Ang laki nang iginanda, Salve A., ni KC Concepcion.

Yes, at 36.

Not only did she lost weight, which could be the reason kung bakit pumuti rin siya.

Meanwhile, quiet siya sa tunay na dahilan kung bakit mas prefer ng kanyang Mommy Mega (Sharon Cuneta, that is) na sa Amerika mamalagi kesa sa Pilipinas.

Kaya, ang tanong: Bakit nga kaya?

Another tanong: Naitanong ba ito ni KC kay Mega?

Alex, wala sa hitsurang beterana sa showbiz

Hindi mo iisiping 15 years na si Alex Gonzaga sa showbiz. Hindi rin kasi nagbabago ang roles na kanyang ginagampanan.

Kung sabagay, ‘di nga ba at sa TV5 siya nagsimula?

Well, ang hinihintay ng kanyang following ay kung kailan daw niya bibigyan ng first baby ang kanyang mister na si Mikee Morada.

Ikinasal ang dalawa noong November 2020. And they are both not getting any younger.

Kuya Germs ‘di nakakalimutan kina Yorme at Ken

Kung buhay, Salve A., si German Moreno, otherwise known as Master Showman, tiyak grinning from ear to ear iyon ngayon.

Well, dahil sa tinatamasang successful career both ng dating dalawa niyang “alagang” sina Isko Moreno at Ken Chan.

Open book na marami ang humahanga kay Mayor Isko, well, sa kasalukuyang ginagawa niyang pamamalakad sa Manila.

Heto nga at marami ang “bumubulong” sa kanya na tumakbo siya for a higher office.

Bilang presidente nga raw kaya. Yes, no less.

Heto at go na rin ang pagganap niya bilang Andres Bonifacio sa gagawing movie ng Regal Entertainment tungkol sa isang foremost Filipino hero natin.

No less than award-winning director, Erik Matti, has been tapped by producer Dondon Monteverde na mamahala sa pelikula.

In the case of Ken, he plays an important dual role sa bagong series na gagawin niya para sa Kapuso, Ang Dalawang Ikaw, with Rita Daniela at Anna Vicente.

VILMA SANTOS-RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with