^

Pang Movies

Dahil sa closet for the broom, Angel at Neil nagka-isyu sa ipinagagawang bahay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dahil sa closet for the broom, Angel at Neil nagka-isyu sa ipinagagawang bahay!
Neil at Angel

Talagang puspusan na ang paghahanda ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce para sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. In fact, kasaluku­yan na nga silang nagpapagawa ng bahay kung saan sila bubuo ng pamilya.

Sa panayam ni Angel kay Dra. Aivee Teo, ibinahagi ng aktres na nagkakaroon nga raw sila ng disagreements sa pagpapagawa ng bahay. “Hindi niya gets ‘yung mga gusto kong magkaroon ng closet for the broom. Hindi niya naiintindihan ‘yun,” ani Angel.

Natatawang sabi pa ng aktres, ang broom closet daw ang una niyang pinagawa at mas nauna pa nga raw kaysa kitchen. Sey pa niya, “nai-stress ako ngayon pa lang. Nakakapag-compromise naman kami. Si Neil naman kasi parang kung ano ‘yung mga gusto niya, gusto ko rin. Sana naman gusto niya rin ‘yung gusto ko.”

Parte rin ng paghahanda ni Angel sa kasal ay ang pagbabalik-alindog. Bukod sa pagpapa-beauty kay Dra. Aivee ay nagsimula na ring magpapayat ang aktres at panay nga ang post niya ng kanyang diet program.

Jessy handa nang mabuntis,‘di nasasaktan ‘pag tinatawag na laos!

Inamin naman ni Jessy Mendiola na handa na siyang magbuntis at bumuo ng pamilya kasama ang asawang si Luis Manzano.

Ito ang naging pahayag ni Jessy sa kanyang latest YouTube vlog kung saan ay sinagot niya ang mga tanong sa kanya ng followers niya sa Instagram. “Yes, I am ready to get pregnant,” she said.

Ibinahagi rin niya na two to three kids ang gusto nila ni Luis.“Better din na nasa late 20s na rin ako, kesa nasa 30s na ‘ko. Parang feeling ko mas mabilis akong magba-bounce back. And gusto rin talaga namin ni Luis na siguro mga two to three yung children namin. Kaya sana  two to three kids before I turn 33, ganun. 28 na ‘ko ngayon eh, so meron akong five years pa,” aniya.

When asked kung may plano sila na magkaroon ng baby this year, sey ni Jessy ay hindi siya sure. “Not so sure kung this year. Siguro when things are better. Sana talaga things get better. Para rin you know, all of us could really move on with our lives na walang worries, na walang anxiety na nakakabit,” saad ng aktres.

Natanong din kay Jessy kung ano ang nararamdaman niya kapag tinatawag siyang laos at ayon sa aktres ay hindi rin naman niya nakikita ang sarili niya na super sikat or superstar. “I don’t feel hurt or anything (kapag sinasabing laos siya) and in a way, medyo totoo naman din na hindi na rin talaga ako super active. Wala rin naman talaga akong magagawa.

“But I’m just really thankful na kumbaga, nasa circulation pa ‘ko ng showbiz. Okay lang,” she said.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with