Charo, nilaglag ng mga apo

Nilaglag ng kanyang mga apo si Charo Santos-Concio nang ibuking ng mga ito na naghihilik sa pagtulog ang aktres at ABS-CBN executive.

Ibinahagi ni Charo ang nakakaaliw na pambubu­king dalawang apong babae sa pamamagitan ng maikling video na ipinost niya sa Instagram. “Fun conversation with my grandchildren pero hindi ko alam kung matutuwa ako sa revelation nila. Secret is out... #buking #happygrandma @conciosisters,” caption ng aktres at ABS-CBN bossing.

Sey ng isang apo niya sa video, “I talk in my sleep and you snore.”

Itinanggi pa ito ni Charo pero talagang iginiit ng mga apo niya na naghihilik siya at ginaya pa siya. Tawa nang tawa si Charo at sey niya, “nilaglag na ako ng mga apo ko.”

Katuwiran naman niya, “that’s when we travel and I get so tired.”

Sagot ng apo niya, “no, even here” at napahalakhak na naman si Charo.

Ang dami namang nakyutan sa maglolola at pati mga artista ay nag-comment.

“Super cute!!!!” sabi ni Bea Alonzo.

Komento naman ni KC Concepcion, “gahh ADORABLE!!!”

Chito at Neri, tuloy ang ­pagyaman sa pagtutuyo!

Mukhang tuluy-tuloy na talaga ang pag-asenso’t pagyaman ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig. Aba’y ngayon ay nakabili na sila ng truck na pang-deliver para sa gourmet tuyo na negosyo nila.

Ipinost kahapon ni Neri sa kanyang IG ang larawan ng bagong biling truck at masayang-masaya ang dating Kapamilya actress sa bagong achievement. “Paparating na si Truckie this week! Yahooooo! Thank you, Lord!

“Mga ka-wais at ka-tuyuan! May bago tayong makakasama sa paghatid ng mga tuyo natin at dahil sa sooooobrang dami ng order nyo, di na kakayanin ni Eltri sa bigat ng dinadala nya,” simula ni Neri sa caption.

Kuwento ni Neri, ang pinambili niya sa truck ay ang pinagbentahan niya ng mga tuyo at binayaran niya in full, take note. “Yes, ang kinita ko sa pagtutuyo ang pinambili ko kay Eltri at ngayon naman kay Truckie. Inipon ko para di magloan at walang karagdagang bayad. Tiis tiis lang talaga at pikit mata mong babayaran. Pero naniniwala akong mababawi ko naman! Hehe! Hindi man overnight pero makakabawi rin. Saka kailangan na talaga. Para makadeliver na kami ng maramihan sa aming mga distributors! At para di na sila kukulitin ng mga masisipag nilang resellers at dahil UBUSAN TALAGA NG STOCKS!” sey pa ni Neri.

Matatandaang marami nang naipundar si Neri dahil sa kanyang sipag sa pagnenegosyo kabilang na ang iba’t ibang real estate properties tulad ng rest house sa Tagaytay, farm lot sa Cavite, residential lots, etcetera.

Show comments