Second dose nina Ogie at Regine, na-delay

Aga and Family

Melai, napaliwanagan, Aga, Charlene at kambal na anak vaccinated na rin

Fully vaccinated na finally ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Supposedly ay middle of May pa ang kanilang second dose pero ayon kay Ogie ay nag-quarantine uli silang mag-asawa pagkatapos magkaroon ng exposure sa nag-positive.

Last April 17 ang first dose nila ng Sinovac.

At usually after a month ang second dose nito. 

Ini-encourage ni Ogie ang lahat na magpaturok na at ‘wag nang mamili ng brand ng bakuna : “After getting exposed again to a covid positive at work, wifey and I had to quarantine to fulfill the requirement for the second jab. Salamat sa lahat. Salamat Panginoon sa biyaya. Alam natin na marami pa rin ang nagdadalawang isip magpabakuna. Noong una ay Pfizer ang akala naming mahusay nguni’t sa aming mga nabasa pagkatapos ay kung ano ang ibigay yun ang pinakamabisa. Sinovac ang natoka sa amin at so far so good. Naisip ko ang pamilya ko, at ang mga katrabaho ko. Kaya ako nagpabakuna, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa nakararami. Kaya maging protektodo, sa bakunang sigurado.”

Maging si Regine ay hinihikayat ang ang karamihan na magpabakuna. “We finally finished our second dose. Thank you to everyone who made this posible.  I encourage all of you to have yours too. For us to achieve herd immunity at least 70 to 80 % of our population need to be vaccinated. This is the only way we can all go back to our normal lives. God bless po  #QCProtektadosaBakunangSigurado.”

Sinovac din ang itinurok kay Melai Cantiveros na hesitant sa umpisa nang magpabakuna. “Salamat Lord sa First Dose ng Sinovac. #LatePost ,Salamat Panginoon sa buhay ng ating mga Frontliners at mga govt. official. Nung una ayaw ko magpabakuna takot ako pero naliwanagan ako ng mga Momshie ko @karlaestrada1121 at @mariajolina_ig at ng BFF ko @cathygonzaga important tlaga magpabakuna para kahit papanu ay protektado ka, kahit papanu kasi dapat full gear parin tayu with Mask at Faceshield ,hugas kamay at alcohol. Lalo na sa mga Senior Citizen po natin na mga kapamilya , #????????????? napo tayu ♥”

Nangunguna ang Quezon City sa pinaka-systematic sa pagbibigay ng bakuna kaya naman puring-puri ito ng mga residente ng lungsod na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.

Anyway, ganundin ang mag-asawang Aga Muhlach and Charlene Gonzalez. Protected na sila, pero AstraZeneca ang bakuna nila. “First shot done of Astra Zeneca.. Thank you MunCoVac & Muntinlupa City for the seamless and easy vaccination process. Encou­raging everyone to get vaccinated towards achieving herd immunity.  Let’s protect our loved ones by getting vaccinated. Maraming Salamat. Register now in your LGU  #letsgetvaccinated #vaccinessavelives #ItWasNotPainfulAtAll #BakunadongMuntinlupeño.”

Show comments