Anak ni Ruffa na si Lorin, all out na sa showbiz

Lorin

Finally ay nagdesisyon na ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez na pasukin ang show business. Pumirma na siya ng management contract sa Viva Artists Ma­nagement na siyang mamamahala ng kanyang career.

Kahapon ay humarap na nga si Lorin sa entertainment press via Zoom presscon at naloka ang lahat kung gaano kahusay sumagot ang 17-year-old na bagets. Biro nga ng press, parang pang Miss Universe ang kanyang mga sagot. Panay naman ang react ni Ruffa na mana raw sa ina which is true naman.

Isa sa mga natanong kay Lorin ay kung bakit siya nag-decide na pumasok sa showbiz gayung prior to this ay all set na nga siya na mag-aral ng college sa US.

“I still plan to pursue my studies and I’m still of course going to finish my education. But even in high school when I was focused mainly on school, I already took part in the plays at school, I would do drama classes, ganyan.

“So I always had the passion for acting. It was genuinely something that I enjoyed and something I did in my free time. And at that time, because I was so busy with school, I would just do it in the school setting,” aniya.

“And eventually, because of the pandemic, I kind of realized na I’m capable of doing more than one thing, I’m capable of doing so many things. Why should I limit my dreams to only one thing in life when I feel like if I’m responsible and if I’m gonna manage my time, I can pursue multiple passions and multiple options for what my future should be.

“So, I think I kinda decided after ref­lecting with myself that I also wanted to pursue my passion which is acting while also doing my studies at the same time,” she added.

Of course, may blessing daw ng kanyang ina ang pagpasok niya sa showbiz, pati na ang kanyang buong pamilya. Excited nga raw mga ito for her.

When asked kung humingi rin ba siya ng permiso sa kanyang amang si Yilmaz Bektas, ani Lorin ay alam naman daw nito dahil may open line of communication ang dad and mom niya.

“My mom definitely informed him of it. Hindi naman siya blind in everything that’s happening in my life and we update him what’s happening and take into account and respect his opinion naman.

“Pero my decision to join showbiz was fully my own and I had to ask of course permission from my mom but I didn’t necessarily say it that ‘can I join?’ But definitely, he’s aware and he knows about it,” sagot ng dalaga.

Excited na si Lorin sa mga proyektong gagawin niya sa showbiz at gusto raw niyang i-try both ang hosting and acting. Wala siyang specific na masabing aktor na gusto niyang maging leading man at ipinagkakatiwala na raw niya ito sa Viva since definitely ay mas alam naman daw ng management niya ang ganitong bagay.

Cleavage ni Regine, pinagkaguluhan

Pinagpistahan ng netizens ang cleavage ni Regine Velasquez na ipinasilip ng mister niyang si Ogie Alcasid sa Instagram page nito.

Nag-post si Ogie ng larawan ni Asia’s Songbird na naka-brassierre at litaw ang cleavage. Aliw ang caption niya na humihingi ng tulong kay Lord.

“Flex ko lang itong nakilala ko. Lord please help me,” caption ni Ogie.

Inulan ng sari-saring reaksyon ang nasabing larawan at pati ang mga kapwa celebrities nila ay nag-react.

“Wow,” komento ni Martin Nievera.

“Wooohooooo!!!!” reaskyon naman ni Jolina Magdangal.

“Huwaaaawzzzz!!!” komento naman ni Iya Villania.

Ilan din sa mga nag-react at napa-wow ay sina Randy Santiago, Lovi Poe, Camille Prats at Geneva Cruz.

Show comments