^

Pang Movies

Kahit anong mangyari, Rabiya nangakong ipagmamalaki siya ng mga Pinoy! Miss U mas pinagkakaabalahan kesa sa bagong variants ng virus?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kahit anong mangyari, Rabiya nangakong ipagmamalaki siya ng mga Pinoy! Miss U mas pinagkakaabalahan kesa sa bagong variants ng virus?!
Rabiya

Moment of truth na for Rabiya Mateo.

Magkakaalaman na kung bitbit niya ang begginer’s luck.

Sobra-sobra ang push at suporta sa Ilongga beauty queen sa kanyang pagsabak sa Miss Universe 2020 na mapapanood ng live ngayong umaga sa A2Z, 8 a.m.

Actually, nabawasan ang takot ng karamihan sa mga nagpapasukang new variant ng virus sa bansa dahil sa iba’t ibang isyu sa laban ni Rabiya sa Miss U. Ayon sa DOH, 10 more cases ng B.1.617.2 COVID-19 na unang nadiskubre sa India ang nakapasok na sa ating bansa, kaya sa kabuuan, 12 variants na ito.

Pero mas damang-dama ng karamihan ang Miss U fever sa mainit na suporta ng Pinoy pageant fans para sa pambato ng Pilipinas sa 69th Miss Universe Competition.

Sa Hard Rock Hotel gaganapin ang coronation, sa Florida.

Nauna nang sinabi ni Rabiya na kahit anong maging resulta, magiging proud sa kanya ang lahat. “And regardless of the result, I may or I may not win the crown, but one thing is for sure — I’m gonna make you all proud,” pahayag niya sa video released by the Miss Universe Organization.

Inabangan din ang sinasabing beginner’s luck. Nauna ngang sinabi ni Miss Iloilo 2020 director Kevin Piamonte sa STAR na “There is such a thing as beginner’s luck. Miss Iloilo was her first pageant. Miss Universe Philippines was also her first national pageant. And as they say, it comes in threes.” #AribaRabiya...

Kim 15 years na sa showbiz, itinuturing na millennial multimedia idol

Ayaw na ayaw madumihan ni Kim Chiu ang Hermes bag niya na may painting ng idol niyang si Heart Evangelista. Sa kanyang vlog, pinakita nga ni Kim ang blue Hermes bag na pinintahan ni Heart na isang beses lang daw niyang ginamit dahil nanghihinayang siya.

Anyway, isa lang ‘yun sa napakaraming branded bag ni Kim. As in, name it, meron siya. Grabe. Lahat yata ng pangarap na bag ng mga babae, nandun sa bag room ni Kim.  Pero sabi nga ni Kim, 15 years naman kasi niya ‘yung naipon mula sa puyat at pagod sa showbiz kaya walang masama kung may ganun man siyang mga bag.

Sa Hermes pa lang, parang malaking kayamanan na. Marami rin siyang mga bag na hindi pa nagagamit pero may mga bigay din naman.

Sa ASAP Natin ‘To nag-celebrate ng 15th anniversary sa showbiz si Kim na itinuturing na millennial multimedia idol.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with