Maja inaabangan kung anong magagawa sa career ni JLC!

JLC

Confirmed and official! Ang Crown Artist Management ni Maja Salvador na nga ang bagong mamamahala sa career ni John Lloyd Cruz. Kinumpirma na ito ng aktres mismo sa isinagawang announcement sa kanyang Instagram page.

Matatandaang nag-post last week si Maja ng teaser ng pagbabalik ng isang aktor pero hindi niya ipinakita ang mukha kung sino. Pero marami na ang nakahula na si JLC ito sa lower part ng mukha nito na nakita sa video.

Sa bagong Instagram Story ni Maja ay ipinakita na niya in full si JLC. At ang bongga ng ginawa niyang pag-welcome at pag-hype sa comeback ng aktor.

Gamit ang hashtag na #JLCTheCAMBack, sunod-sunod ang posts ni Maja at ng Crown Artist Management IG. “The John Lloyd Cruz is back” at “the king is back” ang makikita sa kanilang mga posts.

“We are happy to share with you the CAMback of the one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management (CAM),” ang saad naman ng CAM sa IG.

Matapos ang kumpirmasyon, nag-trending agad si Lloydie sa Twitter sa hashtag na #JLCTheCAMBack.

Needless to say, napakaraming natuwa sa pagbabalik ng aktor at noon pa talaga ito inaabangan hindi lang ng kanyang fans kundi maging ng buong showbiz industry.

Liza, dedma na sa haters

Hindi na pinag-aaksayahan pang patulan ni Liza Soberano at ng kanyang manager na si Ogie Diaz ang haters nila na halos araw-raw yata ay bina-bash sila.

Noon pa’y paborito na silang i-bash talaga ng netizens especially Liza na laging kinukuyog every time na may naipo-post siya against the government.

Ito ngang huling pangba-bash sa kanya ay dahil lang ipinagtanggol niya si Angel Locsin sa community pantry na isinagawa nito noong nakaraang buwan.

Bilang manager ay si Ogie ang sumasangga ng bala para kay Liza kaya naman hayun at kinukuyog din siya ng bashers. “Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, eh,” sey ni Ogie nang makatsikahan namin siya recently. “’Di ba, ma-shock ako kung ang mga bashers mo, eh may masilip na maganda sa ginagawa mo.

“Kaya ‘yung kay Liza at ‘yung sa akin, nang magsalita kami eh na-bash kami, okay lang ‘yun kasi syempre, nararamdaman pa rin namin na relevant kami.”

Sa ngayon daw ay busy si Liza sa itinatayong negosyo with boyfriend Enrique Gil, ang HKT Essentials, kaya wala raw itong panahong maapektuhan sa bashers.

Sobra raw hands on si Liza sa business at minsan nga raw madatnan niya ay gumagawa ng marketing plans.

Hindi pa niya masabi ang next project ng LizQuen dahil baka mapagalitan daw siya and for now, ‘yung rerun daw ng Dolce Amore ang masasabi pa lang niya.

Show comments