_pang-masa
^
Janine, inaming tinanggihan ang alok na kasal ni Rayver
Janine

Janine, inaming tinanggihan ang alok na kasal ni Rayver

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

Ayon kay Janine Gutierrez, hindi naman daw na-hurt ang boyfriend na si Rayver Cruz sa sinabi niyang ayaw muna niyang magpakasal ngayon. Nabanggit ito ni Janine sa YouTube vlog niya with her lola Pilita Corrales kamakailan.

Kaya naman sa thanksgiving Zoom conference ng Dito at Doon last Thursday night ay muling inuritat ng entertainment press ang tungkol sa kasalan at inulit ni Janine na talagang wala pa ito sa isip niya at alam naman daw ito ni Rayver. “He knows naman. Siyempre, napag-uusapan din naman namin ‘yan and he knows, and he agrees or nakiki-agree na lang siya,” sey ni Janine sabay-tawa.

“But he knows and he’s always been so supportive of everything na I have planned or ‘yung mga decision ko. Wala naman pong problema,” she said.

Hindi ba na-hurt si Rayver?

“Hindi. Hindi naman ibig sabihin na ayoko now, ayoko forever,” sey ng aktres.

Samantala, isa rin sa mainit na napag-usapan sa thanksgiving presscon ay kung magkaroon ng part 2 ang Dito at Doon since bukod sa marami ang nagandahan sa pelikula ay marami rin ang nabitin sa ending nito.

Ayon kay direk JP Habac ay open naman daw talaga ang possibilities for a part 2 and naghihintay na lang daw siya ng go signal mula sa TBA Studios.

Ayon naman sa Executive Vice President and General Manager ng TBA Studios na si Daphne Chiu, talaga raw may possibility na magkaroon ng sequel. “Endless possibilities but for sure, we’d like more people to watch the film because we’re still streaming and you get the chance pa until the end of the month, so please, go watch it and if more people ask for it, then, let’s see,” ani Daphne.

Of course, ang main cast na sina Janine at JC Santos ay hoping din na magkaroon ito ng part 2.

Nagpapasalamat ang buong Dito at Doon team sa malaking tagumpay ng pelikula sa online world. The movie is still enjoying an extended run at kasalukuyan pa ring mapapanood via KTX, Cinema ‘76 @Home, iWantTFC, Ticket2Me and Upstream.

Para naman sa international audiences, the movie is exclusive on TBA Play for a limited time only in USA, Canada, and select territories in Europe, Middle East, and North Africa.

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with