_pang-masa
^
Alden, nabitin din sa taping!
Alden

Alden, nabitin din sa taping!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

Mukhang mag-start na talaga ang taping ng soap ni Alden Richards kasi malapit na sila mag-lock in.

Excited na nga ang lahat dahil akala nila nung una nasa lock-in na sila Alden  pero ngayon pa lang nagtawag ang production.

Medyo mahigpit ngayon ang lahat lalo pa nga at madalas nababalita na tinatamaan ang ilang member ng production kaya nahihinto ang taping. Pati ang lugar ng lock-in ngayon sobra sa higpit kaya naman ganun ang pag iingat ng lahat.

Mas matagal din ngayon ang quarantine period, mas mahaba rin ang screening bago mag-umpisa. Kaya nga kahit matagal naghintay si Alden bago umpisahan ang taping ng soap niya, ok lang basta ma-assure na ligtas lahat.

Grabe talaga ang bagsik ni covid 19, ayaw p arin paawat.

Hayan, sabik na sabik na tuloy ang followers ni Alden.

Mayayaman, kasama sa naghihigpit  

Weekend na naman pero wala pa rin pagbabago nagaganap sa paligid.

Kahit nga si Robin Padilla inamin na medyo nasira na ang budget nila ni Mariel Rodriguez kaya pinasok na nito ang online food business by selling steaks.

Kung iyon kategorya ni Robin affected na, mas lalo siguro iyon nasa mas lower level di bah? Pero ang maganda nga, pumasok naman sila sa iba’t ibang business na tulad ng food, iyon iba nag-invest sa mga delivery service, ibang mga negosyo na palagay nila makakatulong para medyo umayos ang finances.

Iyon iba nagtipid-tipid na, at iyon naman meron mga mamahalin collections ng mga bag, relos, shoes, medyo nagbawas at nagbenta ng ilan sa online.

Lahat ngayon nakaka-feel ng paghihirap sa income kaya hindi kataka-taka na ang isang Robin Padilla o Mariel Rodriguez gumawa ng paraan or else mahihirapan talaga.

Higpitan ng konti ang sinturon, wala munang mga gastos na hindi importante.

Kaya bongga si Andrea Brillantes na ibinabalita na almost 1 M ang natanggap na mga birtday gift, yaman ng mga nag regalo ha, bongga!!!

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with