_pang-masa
^

Coco… walang paramdam sa pagpanaw ni Direk Toto

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - May 3, 2021 - 12:00am

Ang yumaong si Direk Toto Natividad ang nagsimula ng pakikipaglaban ni Cardo Dalisay sa mga kampon ng kadiliman ni Eddie Garcia at iba pa noon.

Malaki ang contribution ni direk Toto sa naturang serye para subaybayan ito ng mga tao. Kaya tanong ng mga tagahanga, bakit kaya parang walang paramdam ang grupo ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa pagyao ni direk Toto?

Namatay si Direk Toto kamakailan dahil sa COVID complications.

Carmina at Liezel, parang may mga sungay sa Babawiin…

Perpekto ang acting nina Carmina Villarroel at Liezel Lopez sa Babawiin Ko Ang Lahat. Hitsurang mga babaeng may sungay ang pag-uugali ng dalawa na inaapi-api ang karakter ni Pauline Mendoza na anak naman ni John Estrada sa naturang serye.

Nagtatanong lang bakit daw hindi tumawag at humingi ng tulong sa mga kamag-aral si Pauline para iligtas sa mag-ina. Mistula kasing ang yumaong si Loretta Marquez sa Morena Martir ang acting niya na parang naghihintay ng awa galing sa langit.

Dapat daw ay huwag nang magpaka-martir dahil hindi na uso sa panahong ito ng taggutom sa Pilipinas.

 

 

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with