Fans naghihintay sa iba pang artistang magpa-pantry!

Personal na pinuntahan ni Angel Locsin ang itinayong community pantry sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City kahapon. Madaling-araw pa lang kasi ay dagsa na ang maraming tao! Kaya naman nagkabuhul-buhol ang traffic sa sinakop na kalye.

Ayon sa report, isang lalaking senior citizen ang hinimatay sa pila at matapos madala sa ospital eh binawian ng buhay.

Agad namang nagsalita sa isang video sa kanyang Instagram si Gel upang ipaalam sa mga tao na maayos na ang pila.

Binigyang-priority nila ang senior citizens at ‘yung mga may karamdaman.

Pinasalamatan ng aktres ang Task Force Disiplina ng Quezon City government at mga barangay tanod sa lugar na tumulong maging maayos ang pila para magkaroon ng social distancing.

Tuwang-tuwa naman ang mga nabiyayaan ng community pantry dahil may uwi na silang ayuda, nakita pa nila nang personal si Angel, huh!

Isinabay ni Angel sa kanyang birthday ang pagtatayo ng community pantry.

Ang pag-usbong ng community pantries na umabot na sa 350 sa buong bansa eh patunay lang na may mga taong bukal sa puso ang pagtulong sa mga nangangailangan!

Who’s next after Gabbi Garcia, Glaiza de Castro at Angel Locsin? Ipakita ninyong mga artista at celebrities na may ginintuan kayong puso!

Show comments