^

Pang Movies

Netizens, natuwa nang palitan ni Joshua si James sa soulmate!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Si Joshua Garcia na raw ang ipinalit ng ABS-CBN kay James Reid na maging leading man ni Nancy McDonie sa The Soulmate Project. Sa pagbabalik ni Nancy sa bansa para sa lock-in ta­ping ng project, saka raw i-a-announce na si Joshua na ang makakapareha niya.

Matatandaang nag-back out si James sa nasabing project sa hindi na namin maalalang rason. Hindi siya pinigilan ng network at naghanap ng kanyang makakapalit at si Joshua na nga.

Hindi matutuwa si James kapag nabasa ang reaction ng netizens, dahil mas mahusay daw itong umarte kesa sa kanya. Sabagay, wala namang pakialam si James sa reaction ng netizens, basta he’s out of the project na at sa music na muna niya nagpu-focus.

Pokwang, mas aktibo sa food business

Nakaka-inspire ang sobrang kasipagan ni Pokwang sa kanyang food business at hindi talaga kami magugulat kung isang araw, kapag wala nang pandemic, magbukas siya ng restaurant. Masipag na, masarap pang magluto si Pokwang, kaya in demand ang mga niluluto niya na hindi na nga lang bottled tuyo, bottled laing, bottled bagoong, may chicken inasal na rin siya at ibinalitang, malapit na ring maging avaible sa Poklee Food Products ang Baked Salmon na tinitingnan mo pa lang kung paano inihahanda, alam mong masarap.

May announcement din pala si Pokwang, sa May 1 to 2 na uli puwedeng mag-order ng chicken inasal, magpapahinga raw muna siya at siguro, bibisitahin ang ipinapatayong summer house sa Bataan.

Sa sipag ng komedyana at ng partner niyang si Lee O’Brien, mabilis matatapos ang summer house nila.

Kaya pala Poklee ang pangalan ng food pro­ducts ni Pokwang dahil sunod sa pangalan nila ni Lee na masipag din. Napapanood namin ang video na tumutulong siyang magluto at naglalagay ng bottled food products nila sa kahon.

Gabbi may pa-ice cream din sa mga worker sa isang subdivision

Naka-post sa Instagram ni Gabbi Garcia ang community pantry sa place nila sa BF Northwest na isa siya sa mga organizer. Dahil nasa loob ng subdivision at limitado ang makakapasok na hindi residents ng subdivision, nakasulat ang “Libreng Gulay Para sa ating mga security guards, kuya riders, construction workers.”

Bukod sa sari-saring gulay, canned goods, noodles, rice, bottled water, may pa-free ice cream din sina Gabbi. Kinontrata nila ang isang vendor ng dirty ice cream na natulungan din nila dahil hindi na nito kinailangan pang umikot para maglako. Naka-park lang siya sa tabi ng community pantry hanggang maubos ang ice cream.

Proud kay Gabbi ang kanyang supporters at aliw ang wish nilang hindi ma-red tag si Gabbi at magpatuloy ang tinulungan nitong buksang community pantry.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with