Ogie, nagpaliwanag sa pagpapabakuna nila ni Regine!

Ogie at Regine

Nakakatuwa na parami na nang parami ang ating celebrities na nakapagpabakuna kontra COVID-19, latest of which ay ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Nag-post si Ogie sa kanyang Instagram page ng larawan nila ni Regine habang tinuturukan at bago pa man sila intrigahin ay may pauna na siyang paliwanag na may comorbidity (medical condition) silang mag-asawa kaya nakapagpabakuna na sila.

As we all know, isa sa list of priorities for vaccine ay ang mga taong may comorbidities. “Kaming mag asawa ay may comomorbidity (sic) kaya nakakuha po kami sa qc ng slot at kami ay napabakunahan na. Sa mga taga QC, download po natin ang EZ consult app para maka rehistro na po tayo at antayin natin ang abiso sa email natin. Ty QC gov’t. God bless us all,” ang caption ni Ogie.

Coney, naturukan na rin

Nakapagpabakuna na rin ang nanay ni Pasig Mayor Vico Sotto na si Coney Reyes last Saturday bilang senior citizen na rin siya at mayroon ding comorbidity.

Nag-post si Coney sa kanyang IG Story ng larawan niya na may hawak na art sign na nagsasaad ng  “I got vaccinated!”

Sa Twitter ni Mayor Vico ay ipinost din niya ang larawan ng ina matapos mabakunahan.“This AM, my mom was the 6, 318th Pasigueño senior to get vaccinated!” ang caption ni Mayor Vico.

Matatandaang early this week ay sinabi ng anak nina Coney at Vic Sotto na walang palakasan sa Pasig at mismong ang ina niya ay dumaan sa tamang proseso. “Nanay ko nga mismo hindi pa nababakunahan. 67 years old po ang nanay ko, may comorbidities din po siya... Walang palakasan, dumaan po sa tamang proseso. Nag-fill up siya ng form,” sabi ni Mayor Vico kamakailan.

Sharon nanghihingi uli ng dasal, may matinding pinagdaraanan?!

Nag-alala ang fans ni Sharon Cuneta matapos mag-post ang Megastar na devastated siya. “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered... But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering... I am devastated. And forgive me if I cannot yet tell you why. Please pray for me. Thank you so much,” ang caption ni Sharon sa kanyang IG post last Saturday.

Sa comment section ay nagpaha­yag ng concern ang mga kaibigan and supporters niya. Isa nga sa nag-comment ay si Judy Ann Santos. Aniya, “were all here for you ate…”

Ang mister naman ni Shawie na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay nag-react ng heart and pra­ying hands emojis. Nag-comment din si Ogie Alcasid ng “love you.” Nagbigay din ng words of encouragement ang kanyang fans. Hindi pa malinaw kung ano ang pinagdaraanan ni Shawie ngayon at bumabase lang ang lahat sa recent post niya na may sakit siya. Hopefully ay hindi naman ito matindi or hindi naman ganun kaseryoso.

Show comments