^
Heart, bibitbitin ang mga branded na kagamitan at aso sa lock-in!
Heart

Heart, bibitbitin ang mga branded na kagamitan at aso sa lock-in!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

Handang-handa nang sumabak si Heart Evangelista sa lock-in taping ng upcoming series niyang I Left My Heart In Sorsogon. Kabilang ang nasabing serye sa 100 na bagong programa ng GMA Network ngayong 2021.

Kukunan ang serye sa Sorsogon kung saan ay Gobernador ang kanyang asawang si Chiz Escudero at excited na nga raw ang aktres na ipakita sa mga manonood ang ganda ng lugar.

May kahilingan lang daw ang aktres sa lock-in taping. “I spoke to the owners of the hotel if they can allow Panda to be with me. Because she will die [without me]! After the lockdown, we’ve been together for so long. She cannot live without me and I cannot live without her,” pahayag ni Heart sa isang panayam.

Si Panda ang alagang aso ni Heart na isang rescue aspin o asong Pinoy. Makikita sa kanyang mga Instagram posts na talagang lagi niya itong kasama.

Bukod sa alagang aso ay magbabaon din daw siya ng speakers at laptop sa taping. “I definitely need speakers because I need my music,” sey pa niya.

Ang laptop naman daw ay kailangan niya para sa kanyang vlogs. “My laptop because I need to edit my vlogs. I have to continue my life outside my soap. I will continue my vlogs,” aniya.

Ang isa pang kaabang-abang sa serye ay ang pagpapasilip ni Heart ng kanyang mga personal clothes and accessories. Sey pa ng aktres, siguradong mabubusog daw ang mata ng viewers sa mga outfits niya.

“I’ve been also fixing my wardrobe because my character is almost like me. So lahat ng mga dati kong mga gamit, nilalabas namin sa archive, arranging everything from accessories to everything,” she said.

Dagdag pa niya, “I’ve also been doing Chanel vintage shopping. Really I’m investing a lot in my wardrobe for the soap.”

Pero siniguro rin niyang iba-iba ang brands ng outfit na isusuot niya sa serye.

“I’m working with a lot of brands so I feel that this is the perfect time for us to all get-together and have really nice outfits for this soap. Every scene will be so good so this makes me very excited,” saad ng Queen of Creative Collaborations.

Makakasama ni Heart sa I Left My Heart in Sorsogon sina Richard Yap and Paolo Contis bilang kanyang leading men.

 

 

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with