Angel, walang pagod sa wedding plans nila ni Neil

Angel at Neil

Nagkuwento si Angel Locsin ng wedding plans nila ni Neil Arce sa panayam sa kanya ni Bianca Gonzalez for Cinema One. Aniya ay chillax bride lang siya at ang fiance niya ang mas groomzilla pa kaysa kanya dahil ito raw talaga ang mas nag-aasikaso at sinisigurong magiging maayos ang kanilang kasal. “Chill lang ako. As in sobrang chill ko. Natapos ko nang lahat ang planning namin noong early stage pa lang,” sey ni Angel sa online interview with Cinema One.

Matatandaang nakatakda sanang ikasal sina Angel at Neil noong Nobyembre last year pero kinailangan nila itong i-postpone because of the pandemic. So, nagplano sila ulit at binago ang ilang detalye alinsunod sa safety protocols. “Si Neil, meron siyang kunyari, tatlong options. Pipili lang ako do’n kung anong ok, kung sino ang wedding planner, kung sinong stylist namin, ganyan. Kung sinong photographers, kung sinong videographer namin, pipili lang ako. Nandu’n na, na-screen na niya ‘yun. Pipili lang ako sa tatlong ‘yun. Yes or no lang ako. Ganu’n lang. Ang saya lang,” natatawang tsika ni Angel.

Dagdag pa niya, “iba ‘pag tumutulong ‘yung fiancé mo sa preparations, eh.”

When asked kung ano talaga ang naramdaman niya sa pagkaka-delay ng wedding, ani Angel ay hindi na raw niya magawang mag-complain pa. “Alam mo, hindi ako makapag-complain. Siguro, na-move lang ‘yung mga plano namin, pero hindi kami talaga totoong naabala. I mean, para sa amin, hindi abala ‘yun. Sa rami ng mga cancelled weddings, cancelled events, naghihirap ‘yung event community, parang hindi ako makapag­reklamo. Parang wala tayong choice ngayon kundi mag-adjust. Hindi puwedeng ‘yung kung ano ang gusto natin. Itong pandemic na ito, natutunan ko kung paano mag-compromise, hindi ‘yung kung ano ang gusto natin.

“Marami nang mga pangyayari na nagpa-realize sa akin na hindi na tayo puwedeng bumalik sa dati. Kailangan na nating matutong mag-adjust para mag-survive,” pahayag ni Angel.

Janus, pinag-aapologize si Gerald kay Bea

Sino kaya ang pinatutungkulan ni Janus del Prado sa kanyang latest post sa Instagram? Nag-post si Janus ng quote na ganito ang nakasaad: “A real man will apologize for his mistakes and accept his shortcomings to try to become a better version of himself. A coward will lie, manipulate, redirect blame and play the victim role just to save his face.”

Siyempre, ang hinala ng netizens ay mukhang ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson ang pinariringgan ni Janus.

Matagal nang magkaibigan sina Janus at Bea and noon pa talaga ay nagpapahayag na siya ng suporta sa aktres sa ghosting na naranasan nito. May mga sideswipe na siya noon pa man na tila patungkol kay Gerald.

Matatandaang nitong huli ay nagsalita muli si Bea sa panayam niya kay G3 San Diego na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin inaamin ni Gerald ang kasalanan nito.

Show comments