^

Pang Movies

Arci, inulit na BFF lang sila ni JM!

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inulit ni Arci Muñoz na BFF lang talaga sila ni JM de Guzman.

Natanong ang actress sa Walang Hanggang Paalam finale mediacon kung ano ba talagang story dun sa lumabas sa kanyang vlog na parang nagpapaalam si JM na liligawan siya formally na in the end pala ay ang kanyang brother ang nag-propose sa girlfriend nito. “It’s about the editing lang. I was not really going to put it in the vlog pero nagkatuwaan lang. We are still best friends. Best friends forever,” paliwanag ni Arci.

Since college raw ay malapit na sila sa isa’t isa pero maaalalang sinabi noon ni JM na may crush siya sa sexy actress.

Prior to WHP, nagkasama na sila sa teleseryeng Pamilya Ko na sadly ay hindi natapos dahil nawalan na ng franchise noon ang ABS-CBN at nagka-pandemic na.

Anyway, huling linggo na ng WHP at susuungin nina Emman (Paulo Avelino) at Celine (Angelica Panganiban) ang lahat ng balakid mabuo lang ang kanilang pamilya at makapiling muli ang anak na si Robbie sa huling linggo nito sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Matapos ang mga hamong sumubok sa kanila, buo na ang pag-ibig at tiwala nina Emman at Celine sa isa’t isa para magkasamang hanapin si Robbie, kahit wala pa silang kasiguruhan kung buhay pa nga ito.

Parehong aksyon at drama naman ang dapat na abangan sa huling linggo ng serye sa nakatakdang paghaharap nina Emman at Leo (Tonton Gutierrez) pati nina Celine at Amelia (Cherry Pie Picache) sa kanya-kanya nilang pakikipaglaban para sa kanilang mga anak at pamilya.

Habang tuluyan nang ilalaglag ni Leo si Amelia at ibubunyag ang mga kasalanan nito, sisiguraduhin naman ni Anton (Zanjoe Marudo) na mapapakanya sa huli si Celine dala ng kahibangan.

Sa kabila naman ng lahat ng ito, magiging kakampi nina Emman at Celine si Sam (Arci Muñoz) para pagbayarin ang magkapatid sa kanilang mga kasalanan.

Makasama pa kaya nina Emman at Celine ang kanilang anak? Mapanagot na kaya ng batas sina Anton at Amelia?

Panoorin ang Against All Odds finale ng Walang Hanggang Paalam ngayong linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page at iWantTFC. 

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with