COVID-19 tuloy ang pag-atake sa showbiz!

Hindi na lamang frontliners, mga kilalang personalidad at ordinaryong  tao ang kinakapitan ng mapamuksang COVID-19 na kumitil ng napakaraming buhay hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Parami nang parami na rin ang showbiz personalities ang nagkakaroon nito.

Noong isang taon, isa ang veteran actor na si Menggie Cobarrubias ang sumakabilang-buhay nung March 26, 2020 dahil sa COVID-19.  Ito rin ang ikinamatay ng misis ng veteran singer-turned pastor na si Ray-An Fuentes, ang dating miyembro ng The New Minstrels na si Mei-Ling na sumakabilang-buhay noong December 27, 2020 sa Canada.  Kinapitan din ng virus si Ray-An maging ang isa nilang anak na lalake pero pareho silang naka-recover.

Nito lamang nakaraang Marso 30 ay pumanaw ang OPM icon na si Claire dela Fuente nang dahil sa COVID-19 na siya ring ikinasawi ng ina ng aktres na si Jean Garcia na si Sandra Garcia on same day.

Noong isang taon, ilan ding mga kilalang personalidad ang kinapitan ng deadly virus pero naka-recover at kasama rito sina Christopher de Leon, Iza Calzado, Lovely Abella, Sen. Bong Revilla, his daughter Inah and her entire family in Davao, ang tinaguriang `Lord of Scents’ na si Joel Cruz at iba pa.

Abril pa lamang pero marami-rami na ring showbiz personalities ang nagpositibo sa COVID-19. Hanggang ngayon ay nasa pagamutan pa rin ang dating Pangulo na si Joseph `Erap’ Estrada na 14 na araw nang  naka-confine since March 29. Gumaling naman sa deadly disease ang singer-host-actress na si K Brosas, ang mga Kapuso stars na sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro, pati na si Dennis Padilla gayundin ang dalawang stand-up comedians-actors na sina Chad Kinis at McMuah ng Beks Battalion among others.

Walang pinipili ang virus. Mayaman ka man o mahirap, sikat ka man o ordinaryong tao ay pare-parehong tinatablan ng coronavirus kaya ibayong ingat at disiplina ang kailangan ng bawat isa sa atin.

At tandaan na ang ng kaligtasan mo ay kaligtasan ng iyong pamilya at ng buong komunidad.

Show comments