^

Friends ni Dominic hopia kay Bea Derek/Ellen, Gerald/Julia and Bea, patalbugan sa isyu ng lovelife

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

May isang incident na naalala ang isang ka-chat ko kahapon.

One time raw, ipinakilala ng isang friend ni Dominic Roque na girlfriend si Bea Alonzo dahil ang impression daw ng friends ng actor, sila na.

Pero mabilis daw ang ‘correction’ ni Bea na hindi sila ng actor.

Kaya raw confused ang friends ng actor kung bakit ganun samantalang ang feeling nila, sila na nga dahil may time naman diumano itong nakakasama ni Dominic sa mga gathering with friends.

Kung sabagay inamin ni Bea sa isang interview na dating sila, pero hindi exclusive. So baka ‘yun ‘yun.

In all fairness, sila nina Gerald Anderson-Julia Barretto, Derek RAmsay-Ellen Adarna and Bea ang nagpapatalbugan ng issue sa kanilang lovelife ngayong may pandemya.

Edgar Allan wala pang planong pakasalan si Shaira

Maluwag na ngayong nababanggit ni Edgar Allan Guzman ang pangalan ng girlfriend na si Shaira Diaz na isa sa pinaghandugan niya ng natanggap na best supporting actor award sa The Eddys for the movie Coming Home last Sunday night. “Ang sarap sa pakiramdam na i-dedicate sa kanya ang award this time na walang pag-aalinlangan, na wala akong iisipin na ilagan or something. So ako naman, totoo naman ’yon, eh, lahat naman ng ginagawa ko kasama siya, eh. Isa siya sa mga inspirasyon ko, kasi napakabuting tao niya sa akin,” diin ni EA sa virtual media chikahan the other day.

At ‘di man sa sinasadya, pero para sa kanila raw, mas type nilang ihiwalay ang professional sa kanilang love life. “Sa kanya naman, sa career niya with Ruru (Madrid) ’yung loveteam nila, support ako, naka-support ako sa kanila. Pinanood ko ’yung I Can See You nila ni Ruru, ’yung On My Way to You, so pati ako, kinilig. ’Yung tandem nila, may kilig and parehas silang mahusay,” kuwento pa ng aktor.

“Sa amin naman when it comes to pansarili naming lovelife, sa trabaho inilalayo po namin. For example ako, binanggit ko siya as dine-dedicate ko ’yung award, hanggang doon lang. Kumbaga, para sa akin, kasama pa rin siya, at least naparamdam ko na kasama siya doon sa achievement ko sa buhay,” dagdag pa niya.

 Sa ngayon, bukod sa Agimat ng Agila at Heartful Cafe (kung saan ka-trianggulo siya nina Julie Anne San Jose at David Licauco bilang si Uno Henares), wish ni EA na makagawa ng isang pelikula kung saan gagampanan niya ang papel ng isang epileptic o may sakit.

BEA ALONZO DOMINIC ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with