^
Magrerenta pa sana... Ellen sa bahay na ni Derek nakatira!
Derek at Ellen

Magrerenta pa sana... Ellen sa bahay na ni Derek nakatira!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 8, 2021 - 12:00am

Kinumpirma nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na this year sila pakakasal. Pero hindi pa raw nila pinaplano ang detalye. Ito ang pahayag nila sa recent interview nila sa Live with G3 ni G3 San Diego.

Inamin din nila na nagli-live in na sila for practical and safety reasons. “Kasi, she was living with her auntie and then she would go in and out of the house so the auntie was really scared,” sey ni Derek.

Nag-iisip daw si Ellen na lumipat sa Pasay or sa McKinley or Makati pero nag-o-offer daw si Derek na sa kanyang bahay na tumira at magsama na sila. “I offered kasi she was going to go into taping naman. Sabi ko, ‘why don’t you stay here na lang, it’s safer for you,’’ kuwento pa ng aktor.

Bukod dito ay naramdaman na rin daw nila that time na ang isa’t isa na ang “the one.”

Alam nila na maraming netizens ang against sa kanilang relasyon at parati silang bina-bash pero ayaw na raw nila itong patulan.“They always have something to say,” sey ni Ellen.

“Yeah, I’m numb already. I don’t understand their way of thinking anymore,” sabi naman ni Derek.

Dati raw, ang tawag sa kanya (Derek) ay Mr. F (fuck) boy at hindi nagseseryoso sa relasyon. Ngayon naman na magpapakasal na siya, may sinasabi pa rin sa kanya na kesyo pakakasalan daw niya si Ellen dahil sa pera. “Parang sige na, just throw whatever it is that you want at me. I’m a happy boy and I think, you guys can see that,” he said.

Pakiusap ni Derek ay itigil na ang hate at maging masaya na lang tayo para sa ibang tao. “It took me 44 years and it came in the most… you know, like in a pandemic. I would never thought it would happen during a pandemic but it did and I’m in love! And you guys will feel that too. You’ll find that’s someone.

“But you should stop spreading hate and just be happy for one another and spread positivity, guys, or this pandemic will never end,” saad ni Derek.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with