_pang-masa
^
Sen. Manny, gagastusan ang kanyang pelikula para sa eleksiyon!?
Sen. Manny

Sen. Manny, gagastusan ang kanyang pelikula para sa eleksiyon!?

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 7, 2021 - 12:00am

Magandang timing para kay Senator Manny Pacquiao kung maipagpatuloy ang historical movie na sana ay gagawin niya na naudlot nga, ang ­General Malvar.

Timing ito kung sakaling tutuloy siya sa pagtakbo sa darating na eleksyon sa 2022. Magandang publicity ito kung sakali.

Samantala, si Manila Mayor Isko Moreno nga ay sinimulan na ang pagsasapelikula ng buhay niya.

Ang tanong, saan naman kaya ito  ipapalabas na sinehan ngayong malabo pa itong magbukas sa kasalukuyan.

Ang sagot siyempre, sa mga digital platform. Kumbaga alam na ‘yan.

Imelda, sobra ang lungkot sa pagkamatay ni Claire

Apektado ang Vice Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin sa pagkamatay ng kaibigan at kapwa singer na si Claire dela Fuente.

Sobra raw ang lungkot niya nang mabalitaan na pumanaw na ang isa sa kanilang tatlong magkakabarkada na tinaguriang Jukebox Queens, kung saan isa sa kanila ay si Eva Eugenio.

Mga artistang marunong makaalala, iilan na lang

Nakaka-touch namang makatanggap ng thank you message mula sa mga artistang nabigyan ng write-up sa aming column dito, na kahit panahon ng pandemya ay nakakaalala pa ring magpasalamat sa nagbibigay ng publisidad sa kanila.

Sa totoo lang mabibilang na lang sa daliri ang mga artistang ganito ang ugali.

Noranians, hindi na atat sa National Artist

Wala nang panghihinayang, pagtatampo o kalungkutang nadarama ang ilang Noranians sa pambibitin na ikonsiderang National Artist ang idol nilang si Nora Aunor.

Hindi man daw ito mapiling bigyan ng titulo, para sa kanila ay National Artist na si Guy at sila na ang humatol.

May komentong nagpapakakontrobersyal lang daw ang ­naturang samahan para mapag-usapan dahil libreng publicity din para sa kanila kung hindi man mapili si Nora. Ganun nga kaya?

AlDub movie, binuhay sa TV

Nagbubunyi ang AlDub fans noong Easter Sunday dahil pinalabas ng Kapuso ang pelikula ng mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You and Me.

Nakakapanghinayang ang tambalan ng dalawa. Balak pa sana itong sundan noon ng mga proyekto pero nagkaroon ng problema na naging dahilan nga ng paghihiwalay at pagkakanya-kanya ng AlDub.

Well, magandang pakonsuwelo ito para sa fans dahil kahit papaano ay nakatulong na mabawasan ang paghihinagpis nila.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with