_pang-masa
^
Ivana, mas aktibo sa pag-ayuda!
Ivana

Ivana, mas aktibo sa pag-ayuda!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - March 31, 2021 - 12:00am

Maingay ang pangalang Ivana Alawi ngayon sa showbiz lalo na sa YouTube. Kahit wala siyang teleserye or movie, talk of the town ang pangalan niya dahil sa pamimigay ng tulong sa kapwa.

Natalbugan niya ang ilang big stars na kahit big names sa isipan ng fans, lalo na sa panahong ito ng pandemonic COVID attack na nakapagbigay ng tulong sa marami si Ivana.

Dapat samantalahin niya ang pagkakataong ito na humanap ng proyekto na puwede niyang gawin para mapag-usapan ng mga tao kung sino nga ba si Ivana Alawi na ito.

Marami namang available storywriter, kaya it’s about time na dapat bigyan niya ng pansin ang pagkakataong ito.

Pero dahil nga sa ikalawang ECQ, malabo pang magkaroon ng proyekto ang sexy actress dahil marami rin sa mga lock-in taping ang naantala dahil sa istriktong pagpapatupad ng lockdown.

Pagdarasal, nakakalimutan na?!

Isang beteranang relihiyosang aktres ang nakakuwentuhan namin. Medyo nakakakilabot ang pangamba niyang sinasabi na maaaring magkakatotoo. Ayon sa aktres, sa sobrang paghihigpit sa pagbubukas ng simbahan lalo na ngayong Semana Santa, hindi malayong bumuka na ang lupa sa tindi ng galit sa pagpigil na daluhan ng mga deboto ang pagsamba kay Lord. Devil in disguise ang COVID na pinipigilan ang kabutihan at kaligayahan ng mga tao.

Sa totoo lang maraming nakakalimot na higit na makakatulong sa pagpuksa at paglaban sa COVID ay ang pagda­rasal at pagtawag sa MayKapal. Hindi totoong sapat ang alcohol, face mask, face shield at pag-iingat para mapigilan ang sumpang salot na ito dahil nakakalimutan ng karamihan na samahan ang mga ito ng dasal. Mas epektibong pamuksa ng virus ang pagdarasal kaysa umasa lang sa bakuna. May komento nga na hindi raw kapani-paniwala pero may balitang may korapsyon ding nagaganap sa pagdagsa ng bakuna.

IVANA ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with