_pang-masa
^

K-pop handlers, buhos ang suporta sa mga alaga!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 30, 2021 - 12:00am

Siguro dapat na ring gawin ng local stars natin ang ginagawa ng handlers ng Korean stars.

Grabe ‘yung pagbukas ko ng Instagram, tambak ang photos ng top stars ng Korea.

Kahit tuloy hindi ko masyadong type si Lee Min Ho dahil araw-araw kong nakikita ang iba’t ibang photos niya, nari-remember ko na siya at malapit na akong ma-curious sa mga serye niya. Pati ang videos ng mga concert ni IU at ibang K-pop stars nandun, posted.

Wow talaga sa sipag ang management nila, hitsurang hindi mo kilala itatanong mo tuloy dahil nakita at narinig mo.

Pero in fairness ha, hanga ako sa bounce back ng career ni Lee Min Ho na akala mo wala na, nang pumasok siya sa military at kasikatan ni Song Joong-ki. Paglabas ni Lee Min Ho, balik-sigla agad ang career niya, at talagang ‘yung fans niya solid pa rin sa kanya.

Mukha siyang mabait dahil ‘yung behind the scenes na ipinapakita nandun ‘yung rapport niya sa mga kasamahan niya.

Naku ha, meron na akong Lee, si Lee Joon-Gi noh, kaya hindi na puwedeng mag-Lee Min-ho o Lee Seung-gi . Faithful ako, hah hah hah.

Sanya, parang big star ang dating

Suwerte ni Sanya Lopez sa role niya sa First Yaya. Talaga sigurong tadhana na sa kanya mapunta ang iniwan ni Marian Rivera na role dahil sa pag-aalaga kay Ziggy.

Bagay ang role kay Sanya at tanggap ang team nila ni Gabby Concepcion.

Maganda ang rating at marami ang nagustuhan ang First Yaya. Suwerte ni Sanya dahil next niya kay Bong Revilla sa Agimat ng Agila, parang ang laki niyang star na magkasunod ang big project, bongga.

Suwerte talaga ni Sanya, talagang panay buhos ng blessing sa kamay niya.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with