Sharon payag sa surrogacy kay KC para magkaapo na!

Gabby KC at Sharon

Super inip na nga si Sharon Cuneta na magkaapo.

Kahit daw mag-surrogate na lang ang anak na si KC, magka-baby lang, masaya na siya.

May nag-wish kasi sa kanyang follower nang i-post niya ang collage photos nila nina Gabby Concepcion and KC na may caption na “This girl is the very best ‘thing’ we ever did together @itskcconcepcion Right, Papi? @concepciongabby #oncewewereafamily” na wala pa akong nabasang sagot ni Gabby habang sinusulat ko ito.

At ‘yun nga, ang sagot nito : “Inip na inip na nga ako! Kahit magpasurrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs nya!”

Sa ngayon ay walang inaaming karelasyon si KC kahit na may ilang nakakitang magkasama sila ni Apl.de.Ap at sinasabing friends lang daw sila.

Huwag kang mangamba, patok sa viewers

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pinakabagong inspirational series ng ABS-CBN Entertainment na Huwag Kang Mangamba, na nag-premiere sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5 kagabi (Marso 22), na anila ay may napapanahong kwento.

Pinuri ng fans ang mahalagang mensahe at inspirasyong hatid ng serye sa mga manonood, pati na rin ang pagganap ng mga bida nitong sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, kung saan nauwi sa trahedya ang mga karakter nilang sina Mira at Joy matapos ang isang malaking aksidente.

Sa social media, ibinahagi ng mga manonood ang kanilang saloobin tungkol sa serye at agad ding pumasok sa trending topics sa Twitter Philippines ang hashtag na #HKMAngPagdating,  #HuwagKangMangamba, Andrea Brillantes, SETHFEDELIN AS PIO, at ANGELINE QUINTO AS DARLING.

Show comments