^

Pang Movies

Cong. Alfred, sabik nang Ipakilala ang kapatid!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cong. Alfred, sabik nang Ipakilala ang kapatid!

Sayang naman ‘yung balak na pocket presscon ni Councilor PM Vargas. Gustung-gusto pa naman ni Cong. Alfred Vargas na ipakilala sa mga kaibigang press people ang batang kapatid na sumunod sa yapak niya sa pulitika. Excited pa naman siya dahil nga kahit noong sumasama pa lang si PM kay Alfred, talagang friendly na siya sa showbiz writers.

Tulad ni Alfred, ipinakita rin ni PM ang sipag at commitment sa kanyang pagiging councilor, kaya naman hindi kataka-taka na gustuhin din ng mga kadistrito niya na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon para mas maging malaking tulong sa mga ito.

Maayos na nagampanan ni Alfred ang kanyang pagiging congressman, kaya nag-iwan siya ng magandang bakas na susundan na lang ng kapatid na si PM. Sayang talaga dahil excited pa naman talaga si PM at excited din ang showbiz writers pero dahil bawal muna ang gathering at tumataas na naman ang record ng COVID-19, hintay-hintay na muna.

At least ngayon pa lang ang dami nang may gusto kay PM Vargas, kaya ‘yung legacy ng trabaho ni Alfred, tuluy-tuloy lang, walang hinto.

Mahal na araw, hagip na naman ng ikalawang lockdown

Alam mo, Salve, noong unang lockdown dahil sa COVID-19, hindi pa ako  masyadong na-sad. Itong second time na may announcement na naman na hindi na naman open ang mga simbahan sa Holy Week, parang doon nag-sink in na ikalawang beses na ngayon na hindi natin nagawa ang mga usual na religious traditions na kung Holy Week lang natin nagagampanan.

So sad na akala natin last year ay maaayos na ngayong 2021, pero hindi pa rin. Parang ang sakit sa dibdib na pati ang  mga ­spiritual responsibility natin ay apektado ng virus.

Ibang-iba nga ang feeling mo ‘pag pumapasok ka ngayon ng simbahan, parang iba ang haplos sa puso kahit pa nga paborito ko nang makinig ng mass ni Father Tito Caluag sa TV. Iba pa rin ang peace and calm na madarama mo sa loob ng simbahan.

How sad talaga, dahil nga hindi natin nagawa last year, akala ko maluwag na this year at ayos na ang pagpunta sa mga simbahan. Akala ko magagawa na uli natin ang pagkanta ng Our Father..., ang peace be with you. Akala ko puwede na namang magwagayway ng palaspas.

Magagawa na kaya natin next year? Ayos na kaya ito by that time? Puwede na kaya uli ang Visita Iglesia? Ang Palm Sunday? Enjoy na uli ang Pasko ng Pagkabuhay?

Sana, sana, sana.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with