_pang-masa
^

Pang Movies

Pagpipiloto ni Diet naudlot, aktor panay ang sali sa mga art exhibit

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pagpipiloto ni Diet naudlot, aktor panay ang sali sa mga art exhibit
Diether

Wow sumasali-sali na rin pala sa mga art exhibit si Diether Ocampo.

Yup, bukod sa pag-aaral na maging piloto, naging busy rin siya sa mga art exhibit.

Pero balik-akting ang aktor sa bagong teleserye ng Kapamilya Channel na mapapanood din sa TV5, ang Huwag Kang Mangamba na starring ang Gold Squad -  sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin (SethDrea), Kyle Echarri and Francine Diaz (KyCine).

“Bago nag-pandemic, busy ako sa pagpi-paint and doing a lot of art exhibit. Recently sumali ako art exhibit sa Pinto Gallery. I was busy also finishing my flight school pero nagkaroon nga ng pandemic so supposedly kukunin ko na ‘yung  license ko, pero hindi natuloy,” sabi ni Diet sa virtual media conference the other day ng Huwag Kang Mangamba.

Kaya naman thankful and grateful siya sa pagkakasama niya sa HKM.

“Just what I’ve said earlier, unang-una magpasalamat sa Dreamscape kila Sir Deo (Endrinal) for giving me this opportunity,” sabi pa na Diet na naging busy din daw sa physical and mental conditioning habang lockdown at may quarantine at limited ang galaw ng lahat.

Magsisimula na sa Lunes, March 22, ang Huwag Kang Mangamba sa Kapamilya Channel, A2Z and TV5. Kasama rin sa serye sina Sylvia Sanchez, Angeline Quinto, Eula Valdez, Enchong Dee, Mercedes Cabral, Mylene Dizon at marami pang iba mula sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng, Darnel Joy Villaflor and Manny Palo.

DIETHER OCAMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with