Heaven, third party sa hiwalayang Kiko at Devon?!

Heaven

Ang pag-delete ni Kiko Estrada ng mga post at pag-unfollow sa lahat ng pina-follow niya sa Instagram ay sapat na raw para masabing hindi chismis ang paghihiwalay nila ng girlfriend na si Devon Seron.

May mga bulung-bulungan na may kinalaman daw si Heaven Peralejo sa paghihiwalay ng dalawa. Magkasama sina Kiko at Heaven sa Kapamilya teleserye na Bagong Umaga.

Nag-post sa Instagram si Devon noong March 9 na: “The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

Sa comment section, tinuturo ng netizen si Heaven bilang third party. Nangyari diumano ang lahat sa lock-in taping ng Bagong Umaga.

Ngayon ay naka-off na ang comment section ng IG ni Devon.

Nakisali na rin ang kapatid ni Devon na si Chriselda Seron sa galit kay Kiko at Heaven. Sunud-sunod ang post nito sa IG Stories na patama sa dalawa.

In-unfollow na ni Devon si Kiko sa IG samantalang deleted na ang mga pina-follow ni Kiko pati na lahat ng post nito sa IG.

Noong 2019 nagkaroon ng relasyon sina Kiko at Devon pagkatapos nilang magsama sa pelikulang Walwal noong 2018.

Umalis pa nga si Devon sa management ng GMA Artist Center para magpa-manage sa ALV Talents na siyang nagma-manage kay Kiko.

Mark, laging pagod at puyat sa anak

Pinuri ni Mark Herras ang ina ng kanyang baby boy na si Nicole Donesa.

Marami raw pinagdaanan si Nicole noong kasalukuyan itong nagbubuntis kay Baby Corky. Ngayon ay ini-enjoy nito ang pagiging isang mommy.

“I’m very proud. Kumbaga ‘yung pagbubuntis sobrang hirap na experience ‘yun para sa mga mommies, pero kasi si Ico (Nicole) medyo naka-set kami na normal delivery ka, you’re a strong woman, strong mommy ka,” sey ni Mark.

Hindi nga nasunod ‘yung normal delivery at nanganak si Nicole via Caesa­rean section.

Sey ni Mark: “At the end of the day, kung ano ang pinaka-safe na gawin namin para masilang si Corky, safe for Corky and safe for Ico, ‘yun ‘yung pinili namin. Na-CS si Ico.

“Napaka-strong na mommy ni Ico. Sobrang lahat inaral niya. Buntis pa lang siya ang dami na niyang binabasa na kung anu-ano sa pagiging mommy.”

Kinuwento pa ni Mark na siya ang nakatoka sa pag-alaga kay Corky tuwing madaling-araw. Nasanay na raw siyang magpalit ng diaper ni Corky.

“Nagsisimula po ‘yung araw ko sa gabi, kasi ako po ‘yung graveyard shift. Ako ‘yung nagbabantay sa madaling araw.

“We need to be patient talaga; ‘yung pagkakaroon ng mahabang pasensya. ‘Yung pagod, ‘yung puyat, kasama po talaga ‘yun sa process. Kasama ‘yun sa pagiging ama.”

Buckingham Palace, dumepensa sa mga pasabog nina Prince Harry at Meghan

Naglabas ng official statement ang Buckingham Palace patungkol sa ginawang pasabog nina Prince Harry at Meghan Markle sa interview nila with Oprah Winfrey.

Ayon sa Buckingham Palace: “On behalf of the Queen, the whole family is saddened to learn the full extent of how challenging the last few years have been for Harry and Meghan.

“The issues raised, particularly that of race, are concerning. Whilst some recollections may vary, they are taken very seriously and will be addressed by the family privately. Harry, Meghan and Archie will always be much loved family members.”

Isa sa naging concern ng Duke and Duchess of Sussex ay ang gawing issue ng Royal Family ang magiging kulay ng balat ng anak nilang si Archie.

Ayon sa Vanity Fair, “in state of despair” ang ama ni Harry na si Prince Charles sa interview nila at sa issue ng racism sa Royal Family.

Hindi ni-reveal nina Harry at Meghan kung sino iyon, pero inabsuwelto na raw nila ang grandparents ni Harry na sina Queen Elizabeth at Prince Philip.

Show comments