^
Sanya, pahinga muna sa pagpapa-sexy
Sanya

Sanya, pahinga muna sa pagpapa-sexy

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 9, 2021 - 12:00am

Iwas-pusoy muna ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa sexy roles dahil sa Kapuso series niyang First Yaya. “May mga bata kasi sa series. Siyempre, target din naman ang family audience. Eh nasa GMA management naman ‘yun kung may ibibigay na sexy roles sa akin.

“Basta maganda ‘yung istorya, siguro naman papayagan ako. For now, wholesome muna ako! Ha! Ha! Ha!” saad ni Sanya sa online mediacon ng ­coming Kapuso series.

Pero sa TV plug ng Kapuso, may pasabog na eksena si Sanya na naka-two piece bikini siya, huh!

Sa March 15 ang pilot telecast ng First Yaya bilang kapalit ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Pilar, swak sa Yaya…

Swak na swak sa veteran actress na si Pilar Pilapil ang naranasang lock-in ta­ping ng First Yaya.

“Gusto ko ang lock-in. Hindi ‘yung punta sa set, tapos balik. Everybody’s here. Nasa isang lugar lang kami at walang nali-late.

“Eh nakasundo ko naman ang mga young star na kasama namin. Lumalabas nga akong counselor minsan.

“Isinasama rin nila ako sa TikTok, pero sabi ko huwag na nilang ilabas sa public! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Pilar.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with