^
Bea, âsinagotâ sina Gerald at Julia
Bea

Bea, ‘sinagot’ sina Gerald at Julia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 8, 2021 - 12:00am

Tila nagpahaging si Bea Alonzo kina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanyang latest Instagram post.

Nag-post si Bea ng ilang mga larawan habang nasa kanyang Zambales farm at sa caption ay inilarawan niya ang masarap at simpleng buhay sa probinsiya kasama ang mga mahal niya sa buhay.

“I love going back to our farm in Zambales; there’s always something fun to do. Kanina, lumabas kami para magtampisaw sa ilog. Simple lang, pero ang saya!

“These are the moments I live for. The time that this pandemic allowed us to have to be able to spend time with the people we love is what I am most thankful for,” ang parte ng caption ni Bea.

Pero sa dulo ay may hirit ang aktres.

“So, here’s to TIME!

“Time that is best spent with family, Time that heals all wounds, and
TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!” aniya.

Na parang sinasabi ni Bea na vindicated siya at lumabas din finally ang katotohanan.

Though wala pa siyang sagot sa pagde-deny ni Gerald sa “ghosting” at sa sinabi nitong “toxic” ang kanilang naging relasyon.

Jennylyn at Dennis, may ginawang version ng Paubaya

Panalo ang cover nina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo ng Paubaya ni Moira dela Torre na napapanood ngayon sa CoLove YouTube channel ng aktres.

Yup, CoLove is back after several months na pananahimik because of the pandemic kaya naman tuwang-tuwa ang mga JenDen fans. Six months ago pa kasi ang huli nilang CoLove cover at aminado rin si Jen na talagang na-miss din nila ni Dennis.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with