^

Gerald,‘nagamit’ na lahat ng shampoo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 7, 2021 - 12:00am

Natawa kami sa nakita naming meme ni Gerald Anderson at ang mga naging girlfriends at na-link sa kanya, lalo na ‘yung naging endorsers ng shampoo. Ang taba ng utak ng gumawa ng meme na pinagtabi-tabi sina Kim Chiu (naging endorser ng Rejoice), Sarah Geronimo (Sunsilk), Maja Salvador (Clear), Bea Alonzo (Pantene), Pia Wurtzbach (Cream silk) at Julia Barretto (Palmolive). Gawa ni wavydream ang meme na pinost sa Twitter.

Kasama siyempre sa picture si Gerald na ang caption sa kanya ay “dandruff” at kaaliw ang caption na “Iba ka Gerald Anderson! Last mo na yan sa Palmolive. ‘Wag ka na maghanap ng Tresemme, Dove, at lintik baka Johnsons Baby idamay mo pa. In a world full of makating dandruff, be like Loreal “Because you’re worth it.” Julia Barretto sis do the finger comb! Bounce lang ng bounce! Its CLEAR, we knew the truth. And now, we REJOICE.”

Ang pag-amin lang ni Gerald sa relasyon nila ni Julia ang kanilang hinintay para lumabas na sila in public na magkasama. No more hiding ang long  shot at ang nakita lang sa kanila nang dumalo sa charity event ng Philippine Coastguard ay ang suot na face mask. Twinning ang suot nilang t-shirt sa event.

Dahil open na sa relasyon, mapo-post na nila ang photos ‘pag bumibisita sila sa Hayati Private Resort ni Gerald pati na ang pagpunta roon nina Marjorie Barretto last year.

Carla sanay nang ‘buntis’

“Hindi lang maganda, maganda pa ang ugali pati work attitude maganda at mahusay na artista” ang description ni Coney Reyes kay Carla Abellana na gumaganap na kanyang manugang sa well-loved primetime series ng GMA-7 na Love of My Life.
 Narinig ni Carla ang mga puri sa kanya ni Coney dahil magkasama sila sa Zoom interview sa kanila para sa last two weeks ng primetime series na magtatapos sa March 19. Nagpasalamat ang Kapuso aktres kay Coney at nagulat pa si Carla nang ikuwento ni Coney na binigyan siya nito ng ibang klase ng nebulizer for her asthma.

Ang hirap ng role ni Carla sa “LOML” bilang buntis na balo na niligawan ng kanyang bayaw na kanya na ring nagustuhan.

Anak ni John Lloyd adjusted na kay Derek

Napapanood kaya ni John Lloyd Cruz ang IG story nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kasama ang anak nila ni Ellen na si Elias? Bilang ama, makararamdam siguro ng konting panghihinayang si John Lloyd na hindi siya ang kasama ni Elias na nakikipaghabulan kina Derek at Ellen?

Sobrang adjusted at sanay na si Elias sa presence ni Derek sa buhay nila ng mom niya at hindi na siya maninibago kapag nagdesisyon na ang mom niya at si Derek to make their relationship permanent. 

Dahil pala sa relasyon nila ni Ellen, inilabas ni Derek ang hilig niya sa music. Sumasayaw, kumakanta at sa isang IG Story, tumutugtog siya ng keyboard at marunong siya ha! Si Ellen naman tinuturuan ni Derek mag-golf.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with