Derek, kay Carla na itatambal

Carla

Ano raw ba ang mala­king isyu sa relasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna at pulos ito ang topic sa mga news item? Maging ang pagtulog ni Ellen at pagsama-sama ng kanyang anak na si Elias kay Derek ay pinalalaki sa balita. May project daw bang niluluto para magtambal ang dalawa kaya pinalalaki ang bawat kilos nila?

Samantala, ang exciting na pag-usa­pan ay ang balitang si Carla Abellana ang bagong makakapareha ni Derek sa bagong teleserye ng Kapuso. Iyan ang mas exciting pag-usapan dahil talk of the town ang Love of My Life na umeere every night sa Kapuso.

Bakit kaya ayaw mag-comment ni Andrea kahit pinagmumukha siyang kawawa sa hiwalayan nila ni Derek? Ano bang hiwaga mayroon ang hiwalayan ng dalawa?

Arjo, hinahanapan ng bagong serye

Malaking sorpresa sa birthday celebration ni Maine Mendoza noon March 6 ang guesting ni Arjo Atayde sa programang Daddy’s Gurl.

Inakala nga ng iba na si Maine ang nag-suggest na kuning guest ang kanyang boyfriend sa naturang show pero ang mismong producer pala ang kumuha kay Arjo.

Kapamilya star kasi si Arjo kaya imposible nga namang lumabas ito sa Kapuso pero pinayagan at pinahiram ito ng home network since wala naman itong project o TV show na ginagawa sa kasalukuyan.

Marami na ang naiinip at gusto nang mapanood si Arjo dahil magmula nang manalo ito ng award sa pelikulang Bagman mula sa isang international award giving body ay bihira na itong mapanood.

Bakuna kinatatakutan pa rin ng iba…

May mga katanungang umuugong ngayon na bakit daw parang nag-uunahang mabakunahan ang mga government official at mga frontliner gayung ang bakuna ay galing ng China. Hindi ba nagmula sa Wuhan, China ang COVID? Bakit naman sa dinami-rami ng bakuna ay sa China pa tayo kumuha?

Ang bongga naman daw ng China, sa kanila na nga nanggaling ang perwisyong hatid ng COVID, sila pa ‘tong nagbigay ng gamot laban sa perwisyong virus. Well, sabi nga donation lang daw ito sa atin ng China. Libre raw ito at hindi natin binayaran kaya magandang balita raw ito. Wow, amusing.

Ganun na rin siguro kasabik ang lahat na makawala sa virus kaya hindi natin masisising nag-uunahan na sa gamot ang marami, samantalang ang iba ay may takot pa rin.

Pinaayos ang kalye…

Maraming natutuwa at humanga kay Congressman Apol Pancho ng Bulacan nang ipaayos nito ang sirang kalye ng Baliuag, Bulacan. Malaking ginhawa ang dulot nito sa mga kababayan niya.

Show comments